NILINAW NG LGU: KASO NG MPOX SA ILOCOS SUR HINDI SANHI NG LOKAL NA TRANSMISYON

LUNGSOD NG VIGAN, Ilocos Sur

Sinabi ng pamahalaang lalawigan ng Ilocos Sur na walang ebidensiya ng lokal na transmisyon ng MPox, isang nakakahawang sakit sanhi ng monkeypox virus, sa probinsiya, kasunod ng pagkakatala ng unang kaso noong Abril 19. Sa isang pahayag na inilabas noong Abril 23, kinilala ng pamahalaang lalawigan ang pasyente na isang 34-taong gulang na babaeng overseas Filipino Worker (OFW) mula sa bayan ng Tagudin. Nagsimulang makaranas siya ng mga sintomas, gaya ng lagnat, mga pantal, at namamagang lymph nodes, maaga pa noong Disyembre 2024 habang nasa ibang bansa pa siya. Bumalik siya sa Pilipinas noong Marso 1 at tumuloy sa ibang probinsiya bago
pumunta sa Ilocos Sur noong Marso 4.

Sa kasalukuyan, sumasailalim siya sa gamutan sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa La Union. “Habang ang MPox ay
nagpapatuloy na pandaigdigang alalahanin sa kalusugan, nais naming siguruhin sa lahat na ito ay isang isolated case. Ang pasyente ay may malinaw na kasaysayan ng internasyunal na paglalakbay, at mga kontak niya sa loob ng probinsiya ay naging kaunti,” ani ng pahayag.
Dagdag pa sa pahayag, “Ang aming local epidemiology and surveillance officers ay nagsagawa na ng puspusang imbestigasyon at mahigpit na minomonitor ang lahat ng natukoy na mga contacts. Hanggang sa oras na ito, kampante naming masasabi na walang ebidensiya ng lokal na transmisyon ng sakit sa Iloco Sur.”

Sinbai ni Arvin Plete, surveillance officer ng Provincial Health Office na ang pasyente ay may Clade II MPox type, na hindi gaanong
malubhang variant. “Hanggang sa umagang ito, ang pasyente ay wala sa kritikal na kondisyon at tumatanggap ng panggagamot sa isang ospital sa La Union. Ang kaniyang mga contact ay nakilala na at nasa quarantine na, nasa mahigpit na monitoring ng ating mga health workers. Hindi sila nagpapakita ng anumang senyales at mga sintomas ng sakit,” ani Plete. Hinimok ni Plete ang publiko, lalo na ang mga bumabalik mula sa ma lugar na may naitalng mga kaso ng MPox, na bumisita sa isang healthcare provider kung nakaranas sila ng mga
sintomas gaya ng hindi maipaliwanag na mga pantal, lagnat, panlalamig, o namamagang lymph nodes.

Upang mabawasan ang panganib ng mahawaan ng sakit, inirekomenda niya sa tao na palaging maghugas ng kanilang mga kamay
gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer, lalo na bago kumain, hawakan ang kanilang mukha, o pagkatapos
magbanyo. Dahila ang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng malapitan o matalik na ugnayan, binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili sa pisikal na distansiya at iwasan ang close skin-to-skin contact sa mga indibidwal na may pantal na mukhang MPox. “Ang Provincial Health Office ay aktibong namamahagi ng impormasyon tungkol sa MPox at iba pang mga sakit upang mas lalong maabot
at matulungan ang publiko sa pamamagitan ng social media at in-person interacions, gaya ng forums at pmga pagbisita sa iba’t-ibang lugar sa loob ng lalawigan,” dagdag niya. Bukod dito, hinihikayat ng pamahalaang lalawigan ang lahat na manatiling kalmado at mapagmasid habang laging nabibigyan ng impormasyon sa pamamagitan ng beripikadong mga piangmulan gaya ng Department of Health, ang Provincial Health Office, at ang local government units, at iba pa.

(JMCQ, PIA Ilocos Sur/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon