Inihayag ng Baguio City Police Office na walang malinaw na koneksyon ang grupong hypebeast sa kaso ng binatilyong nag-dive sa Burnham Lake.
Sa press conference na ginanap noong Martes ng umaga (Hunyo 5) sa BCPO, sinagot ni PSSupt. Ramil Saculles, police director, ang naturang alegasyon.
Aniya, hindi nakikita ng kapulisan ang posibilidad na may koneksyon ang hypebeast kay Lharz Louvic Wanna, 16, estudyante, na namatay habang ginagamot sa ospital matapos na nag-dive sa Burnham Lake noong ika-31 ng Mayo.
Ang hypebeast ay grupo ng mapopormang kabataan na napabalita dahil sa ilang insidente ng bullying sa lungsod na humahantong sa pambubugbog bunsod ng pagsusuot o paggamit ng mga bagay na branded.
Ayon kay Saculles, ang nakikita nilang posibleng anggulo kung bakit tumalon ang binatilyo sa lawa ay dahil sa matinding depresyon.
Dagdag pa niya na walang maituturing na foul play sa insidente dahil ayon sa dalawang nakasaksi sa mismong insidente ay wala umanong ibang kasama ang binatilyo, mag-isa lamang daw ito nang makita nilang nagtatago sa madamong parte ng lugar at bigla na lang kumaripas ng takbo papunta sa lawa at biglang na lang tumalon.
Hinihintay naman ang pamilya ng biktima na maging maayos ang kalagayan bago magbigay ng mga salaysalay upang magkaroon ng lead sa insidente bago magsagawa ng pormal na imbestigasyon ang BCPO ukol sa kasong ito.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Saculles ang naging maagap na pagresponde ng kanyang mga kapulisan sa pagsagip sa nalulunod na binatilyo. Ayon sa kanya, kahit hindi eksperto ang mga pulis sa pagbibigay ng agarang lunas o ano mang medical procedure ay nagawa pa rin nila itong i-rescue sa paraang alam nila. ROMELO DUPO III, UC Intern / ABN
June 10, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025