BAGUIO CITY
Maigpit na ipapatupad ng Baguio Flower Festival Foundation,Inc. (BFFFI), ang “No Political Campaign” sa dalawang araw na grand celebration ng 29th Panagbenga Festival sa Pebrero 22-23. “ This is not political activities,this is festivities for the people, sana naman irespeto ng mga kumakandidatong pulitiko, na iwasan ang pamumulitika sa araw ng selebrasyon, lalo na sa mga national candidates,” pahayag ni Anthony de Leon, BFFFI Executive Committee sa ginanap na Kapihan Media Forum.
Ayon kay De Leon, ipinagbawal nila ang ganitong Sistema kapag natation na panahon ng kampanyahan ang selebrasyon ng Panagbenga, upang maiwasan ma-distract ang mga manonood at maging magulo ang mismong parada, kung pakala-kalat ang kandidato at namimigay ng polyetos. Aniya, kung may sasakay mang kandidato bilang endorser sa float ay puwede naman, pero bawal pa din ang mamigay ng polyetos sa mga manonood at pagsabit ng kanilang campaign materials sa float.
Sinabi naman ni City Administrator Engr. Bonifacio Dela Peña, na maging mga local candidates, lalo na sa mga incumbent city councilor na kandidato muli, na bagama’t hindi pa panahon ng campaign period ay bawal din ang mangampanya habang nasa loob ng parada. “ Maari silang sumama sa parada bilang city government officials,pero bawal ang paglapit sa mga manonood.” “This is the time for Baguio to bloom and it’s blossoming beyond its boundaries at ang festival na ito ay para sa ating lahat. Hangad po ng BFFFI at city government na maging masaya,ligtas at mapalakas pa ang turismo sa ating siyudad,” pahayag ni Evangeline Payno, Chairperson, Secretariat and Protocol – Panagbenga Chief of Staff ng BFFFI.
By Jobinthod Ampal UB Intern
March 20, 2025
March 18, 2025