‘Null and void’ na mga titulo, wag bayaran – Domogan

Apr 22, 2017

Expanded titles, pinawalang-bisa ng Korte Suprema

LUNGSOD NG BAGUIO – Maigting ang naging babala ni Mayor Mauricio G. Domogan sa mga residente ng lungsod na mag-ingat at agad na ireport ang mga illegal na nangongolekta ng bayad para sa serbisyo ng mga diumano ay nakipaglaban sa pagsasawalang-bisa ng mga expanded titles na kamakailan ay idineklara ng Korte Suprema bilang “null and void”.
Ito ay matapos makarating sa mayor na may ilang indibidwal na lumalapit sa mga residenteng naapektuhan ng expanded titles at diumano ay naniningil ng pambayad sa mga nagsulong ng pagsasawalang-bisa sa expanded titles ng isang Gloria de Guzman na ang ilang bahagi ay sakop ng Sto. Tomas Apugan and Outlook Drive.
“We are disappointed over the fact that there are some unscrupulous individuals who are trying to demand from concerned residents of the affected barangays amounts of money purportedly to pay the services of those who had been fighting for the nullification of the expanded titles which should not be the case,” ani Domogan.
Kamakailan lamang ay ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni Gloria de Guzman kontra sa naunang en banc resolusyon na nagbaliktad sa ruling ng Court of Appeals (CA) na nagdedeklarang lehitimo ang expanded titles na sumasakop sa mahigit 660,554 square meters ng lupa sa mga barangay ng Sto. Tomas Apugan at Outlook Drive.
Ngunit, sa pinakahuling desisyon ay sinabi ng Korte Suprema na ang mga titulo ni de Guzman ay sumasakop lamang sa 11,810 square meters at ang idineklara nitong 660,554 sqm sa mga titulo ay itinuring ng korte na “expanded”.
Sinabi ni Domogan na dapat ding bigyan ng kredito si dating Sto. Tomas Apugan Punong Barangay Federico Gallutan na naghawak ng kompletong mga dokumento ng kaso na naging basehan ng pagtatanong tungkol sa expanded titles ni de Guzman sa korte.
Ayon pa sa mayor, maging si dating Rep. Honorato Y. Aquino ay malaki ang ginampanan sa pagbuo ng kaso na ipinila sa korte na tumuligsa sa expanded titles.
Aniya, ang pinakahuling desisyon ng korte na nagpawalang-bisa sa expanded titles ay dapat na magsilbing babala sa mga apektadong residente upang kumilos ang mga ito na ayusin ang titulo ng kanilang mga lupa para hindi na maulit pa ang pangyayari.
Kinuwestyon din ng mayor ang CA na nagbaliktad sa desisyon ng Validation Committee na nabuo sa ilalim ng Presidential Decree 1271 sa pagtanggi sa request for validation ni de Guzman sa expanded titles. Ngunit, ani Domogan, dapat magpasalamat ang mga residente sa Korte Suprema na nakahanap ng merito sa kanilang apela at idineklarang “null and void” o walang-bisa ang expanded titles ni de Guzman.
Hiniling ni Domogan sa mga apektadong residente na iulat ang anumang insidente ng hindi otorisadong paniningil o pagkolekta ng bayad ng ilang indibidwal na kunwari ay para sa serbisyo ng mga nagtulak upang mapawalang-bisa ang expanded titles. Aniya, ang pagkolekta ng ganitong bayad ay illegal dahil walang anumang kontratang nagsasaad ng pangongolekta ng naturang bayad. May ulat si Dexter See / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest