Nurse bumagsak mula sa zip line, patay

Provincial

TABUK CITY, Kalinga – Namatay on the spot ang isang nurse nang bumagsak sa may 18 taas ng zip line o’ ang tinatawag na ‘Slide for Life” noong hapon ng Hunyo 12 sa Camp L & C, Sitio Gapang, Barangay Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga.

Nakilala ang biktimang si Paul Herbert Pallaya Gaayon, 31,may-asawa,residente ng Purok 5,Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga at kasalukuyang nurse sa Kalinga Provincial Hospital.

Ayon kay Lt. Ryan Antonio, imbestigador ng Tabuk City Police Station, na base sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Bernard Pallaya
Gaayon 34, miyembro ng PNP-Special Action Force, na nakasaksi sa insidente dakong alas 4:45 ng hapon, matagumpay na sinubukan ng
biktima ang isang zip line o’ Slide for Life na aakyat ka sa isang tali at babagsakan ay swimming pool, na sa unang pagkakataon ay nagawa nitong ligtas.

Aniya, tinangka muli ng biktima na ulitin ito sa ikalawang pagkakataon, subalit nadulas at bumitaw sa pagkakahawak ang isang kamay nito sa tali at bumagsak sa net, pero napunit ito at tuluyang bumagsak sa gilid ng pool na semento.

Walang malay na isinugod ang biktima sa Kalinga Provincial Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ni attending physician Dr. Bernard Wandaga.

Zaldy Comanda/ABN