O KINAIINGGITAN BA NILA ANG MGA TAONG PINAGKALOOBAN NI ALLAH NG KASAGANAAN?

Sinabi ni allah sa banal na qur’an ( o sila ba ay nananaghili sa mga tao { alalaong baga , si muhammad at ang kanyang mga tagasunod } sa anomang biyaya na ipinagkaloob sa kanila ni allah ? ) qur’an 4:54 { Or do they envy men for what Allah Has given them of His Bounty? } Ang paninibugho ay isang sakit na nagbubunton ng
napakalaking kapinsalaan hindi lamang sa isipan, ngunit gayundin sa katawan, dito ay sinasabi na walang katahimikan ang isang naninibugho at siya ay isang kaaway na nagsusuot ng kasuotan ng isang kaibigan.

Sa pag-gawa ng katarungan sa sakit ng paninibugho, ang sinoman ay makapagsasabi na ito ay patas, sapagkat ito ay
nagsisimula sa nagtatangan nito na unang pumapatay sa kanya. Pinagbabawalan kita at ang aking sarili sa
paninibugho, sapagkat bago tayo makapagpakita ng habag sa iba , marapat na ipakita natin ito sa ating sarili, sa
paninibugho sa iba, ating pinakakain ng dalamhati ang ating laman at dugo at ibinibigay natin ang ating mahimbing na pagtulo sa iba . Ang naninibugjong tao ay nagpaparikit ng apoy at matapos ay lumulundag dito.

Ang paninibugho ay nanganganak ng pighati, kirot at pagdurusa, samakatuwid, ito ay nagwawasak sa dati ng panatag at matuwid na buhay. Ang sumpa ng isang naninibugho ay yaong siya ay kumakalaban sa kapalaran at
humahamon na ang kanyang manlilikha ay hindi makatarungan . Paano ba ang katulad ng sakit ng paninibugho, gayunman, di katulad ng ibang sakit – ang isang dinapuan nito ay hindi makakatanggap ng gantimpala sa kabilang buhay . Ang naninibughong tao ay mananatiling nasa pagkagalit hanggang sa araw na siya ay mamatay, O hanggang ang kabutihang-palad ng iba ay lumisan sa kanila.

Ang bawatvisa ay mapagkakasundo maliban sa kanya na naininibugho, sapagkat ang pakikipagkasundo ay
nangangailangan na ang mga biyaya ni allah ay maalis sa iyo O yaong isuko mo ang iyong talento at mabubuting katangian, kung iyong gagawin ito, kung gayon , marahil siya ay magiging masaya kahit na sa kanyang sarili. Tayo ay humihingi ng pagpapakalinga ni allah sa kasamaan ng isang naninibugho, isang tao na naging katulad ng isang makamandag na itim na ahas, na hindi makakita ng katahimikan hanggang sa isuka niya ang kanyang kamandag sa isang inosenting tao. Kaya’t manatiling malayo sa paninibugho at humanap ng kanlungan kay allah sa nainibughong
tao, sapagkat siya ay patuloy na nagmamasid sa iyo.

Amianan Balita Ngayon