Opisyales ng BJMP-Cordillera, sinorpresa sa drug test

Oct 14, 2017

Nasorpresa ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management Penology-Cordillera sa drug test na isinagawa ni BJMP Regional Director Atty Edgar Bolcio, habang isinasagawa ang 3rd Quarter Management Conference, noong Biyernes sa siyudad na ito.
“Sinadya ko talagang sorpresahin sila sa random drug test na ito, dahil ito ang tamang pagkakataon na nandito ang lahat ng mga warden at iba pang mga opisyales ng bawat BJMP ng siyudad at lalawigan ng rehiyon para sa aming conference,” pahayag ni Bolcio.
Aniya, gusto niyang linisin ang kanyang bureau para ipakita sa publiko na hindi lahat ay gumagawa ng masama, lalo na sa illegal drugs. “Ang random drug test na ito ay inumpisahan ko muna sa itaas at kasunod nito ay mga personnel naman.”
Ayon pa kay Bolcio, may kinalaman din ang drug test na ito sa pagkakasangkot ng isa niyang tauhan na si SJO1 Donald Kelly sa droga, na nahuli sa buy-bust operation kamakailan sa Session Road, Baguio City.
Aniya, ang insidenteng ito ay malaking kasiraan sa bureau, kaya minabuti niyang magsagawa muli ng drug testing sa kanyang mga tauhan. “Advise ko sa aking mga tauhan na umamin na lang kung sino ang gumagamit ng droga at magpa-rehab na lang, kaysa sa masibak pa sa serbisyo.”
Sa 52 opisyal ng BJMP-Cordillera na sumailalim sa drug test na isinagawa ng PNP Crime Laboratory Service ay nagresulta ito ng negatibo. “So far, nagpapasalamat tayo sa ating mga opisyal na negatibo sa droga at umaasa pa rin tayo na ganito rin sana sa mga iba pa naming tauhan sa rehiyon,” wika pa ni Bolcio. ZALDY COMANDA / ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest