LA TRINIDAD, BENGUET – Planong iregulate ng Provincial Board dito ang pagmamay-ari at operasyon ng unmanned aerial vehicles o mas kilala bilang drones.
Sinabi ni Board Member Fernando Balaodan Sr., ang tagapagtaguyod ng nasabing ordinansa, na ang layon ng hakbang ay upang pangalagaan, protektahan at ingatan ang kaligtasan at karapatan ng publiko maliban sa paghadlang sa sinumang mamamayan mula sa galit o inis dahil sa mga panganib na dulot ng drones sa tao at pag-aari.
“Drones present an unreasonable and unacceptable threat to public safety in the air and to persons and property on the ground in the Province of Benguet due to limitations in drone ‘vision’ and capability to avoid other aircraft and adequate control,” sa iniakda ni Balaodan sa panukalang ordinansa.
Ang panukalang hakbang ay tumukoy sa ilang pagbabawal, requirements at limits ng pag-aari ng drones.
Ilan sa mga kondisyon ay “no person shall operate a drone – unless he/she is at least 18 years of age or at least 14 years of age and under the supervision of his/her parents; no person shall operate more than one drone at a time; no person shall operate a drone within the vicinity of or over national or local government offices or public institutions; no person shall operate a drone while under the influence of liquor or alcohol or while using drugs that impair the person’s faculties, among others”.
Sinabi ni Balaodan na kapag naaprubahan ang mungkahing panukala, ang lumabag ay kinakailangang bigyan ng parusang kanselasyon ng permit, confiscation ng drone at pagkabilanggo ng hindi lalagpas ng isang taon at multang hindi lalagpas ng P5,000. P. AGATEP, PNA
May 3, 2025
May 3, 2025