TUBA, BENGUET – Ibinigay ng Philex Mining Corp. ang water analysis equipment na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso sa Tuba, Benguet upang pangalagaan ang kalusugan ng mga residente dito.
Sa isang simpleng seremonya sa legislative hall ng bayan, pinangunahan nina Tuba Mayor Ignacio Rivera at Municipal Health Officer Dr. Lorigrace Austria ang ibang opisyal ng bayan sa pagtanggap ng aparato mula kay Mila Salinas, cluster coordinator ng Community Relations Department ng Philex Mining.
“We are very thankful to Philex Mines. With this equipment, we will be able to monitor the quality of water in our barangays and ensure a safe drinking water for our constituents,” ani Rivera.
“It is a very essential equipment to monitor the quality of water in our municipality and protect the health of our people,” banggit ni Austria. “We know for a fact that water quality changes, especially now with climate change. By conducting regular monitoring, we will be able to come up with measures to prevent the occurrence of acute gastroenteritis or diarrhea.”
Sinabi ni Austria na ang diarrhea ay nasa ikawalong pangunahing sanhi ng mga sakit sa Tuba.
Dagdag niya na ang kaniyang mga staff ay sasailalim sa training ng Community Relations Department ng Philex Mining upang mapag-aralan kung paano gamitin ang equipment.
Sinabi pa ni Austria na ang kaniyang mga staff ang magsasagawa ng inisyal na monitoring ng kalidad ng tubig sa bayan, ang makukuhang resulta ay ibibigay sa provincial water analysis laboratory sa Benguet General Hospital para makumpirma at ilabas ang pinal na resulta. P.AGATEP, PNA / ABN
June 2, 2018