Quarry operators, inatasan sa rehabilitasyon ng Bolo River

LUNGSOD NG LAOAG – Kasalukuyang isinasagawa ang rehabilitation ang Bolo River sa Ilocos Norte dahil sa hindi maayos na quarrying activities.
Ayon kay Victor Dabalos, officer-in-charge ng Department of Environment and Natural Resources-Ilocos Norte, noong Hunyo 1 na ang mga quarry operator ay kinakailangang i-rehabilitate ang kanilang lugar ng operasyon bago ang cease and desist order na naibigay sa kanila ay pagtibayin.
Bilang bahagi ng rehabilitation process, ang mga quarry operator na gumagamit ng kanilang sariling kagamitan tulad ng payloaders, move sand, gravel at boulders sa malalalim na bahagi ng ilog ay ipatag upang masiguro ang patuloy na daloy ng tubig tuwing panahon ng tag-ulan.
Ani Dabalos, mayroong specific timetable o pondong kinakailangan sa rehabilitation process at ito ay nakasalalay sa mga quarry operator na lubusang sumunod sa lahat ng mga kinakailangan sa pagkuha ng mga mineral.
Iginiit niya na ang quarry operators ay papayagan hanggang ang rehabilitasyon sa ilog ay matapos.
Ang Bolo River watershed, na sumasakop sa 21,410 hectares na area sa bayan ng Adams, Bangui at Pagudpud, ay kabilang sa 22 prayoridad na watersheds sa Ilocos Norte.
“Quarrying activities remain suspended at the Bolo river as the rehabilitation is still on-going,” ani Dabalos
Noong Mayo 16, nag-issue ang DENR ng notice of violations sa 14 quarry operators sa kahabaan ng Bolo River dahil sa kakulangan sa permit. Habang isinusulat ito, ang bagong tatag na special task force ay kasalukuyang nag-momonitor sa lugar para sa strict compliance ng DENR order.
Ayon sa DENR, nagmumula ang headwater ng Bolo River system sa virgin forests ng Calanasan sa Apayao province pababa sa river system ng Adams bilang mid-stream na bahagi at sa mga bayan ng Pagudpud, Bangui at Dumalneg bilang low-stream na bahagi.
Sa Ilocos Norte, ang quarrying ang pangunahing revenue source ng local government units sa tinitignang patuloy na infrastructure projects tulad ng pagpapagawa ng kalsada at tulay, residential houses at iba pang pang-commercial na establisimyento. L.ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon