P1.4-M dried marijuana narekober sa 2 biktima ng vehicular accident sa Benguet

TUBA, BENGUET – Dalawang biktima ng vehicular accicdent sa may Kennon Road, ang nabuking ng pulisya na biyahero ng marijuana, matapos marekober ang isang kahon na naglalaman ng 12 piraso ng dried MJ leaves in tubular form na may halagang P1.4 milyon umaga ng Hulyo 3 sa may Camp 4,Tuba, Benguet.
Kinilala ang dalawang biktima na bahagyang nasugatan sa self-accident na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na sina Jimmsie Galang Salazar, 40, resident of 13IR Maliksi II, Bacoor Cavite, driver ng Ford Ranger, Pick up Chili Orange with plate number ABC 3265 registered to Junerodel H. Rios at kasama nitong si Justine Jerome Baisa, 28, residente ng of 20 Saint Lukes, Marvi Hills, Brgy Gulod, Malaya San Mateo, Rizal.
Sa imbestigasyon ng Tuba Municipal Police Station, naganap ang aksidente (noncollision) dakong alas 4:40 ng umaga at nai-report sa pulisya dakong alas 6:00 ng umaga.
Napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay galling sa siyudad ng Baguio patungong lowland area at habang tinatahak ang pababang zigzag ng Kennod Road, naramdaman umano ng driver na nagkaroon ng brake malfunctioned (loose brake) na naging dahilan ng kanyang minamanehong sasakyan na tumaob at tumagilid hanggang sa ito ay huminto na lumiliko sa itaas ng pagong sa northbound lane.
Dahil dito, parehong nagtamo ng mga pinsala ang driver at pasahero ngunit tumanggi sa medikal na atensyon habang ang sasakyan ay nagtamo ng matinding pinsala.
Sa pagsisiyasat ng pulisya sa pinagyarihan ng aksidente, sinabi ng ilang residente na nakakita sa aksidente sa imbestigador na nakita nila ang dalawang suspek na mabilis na lumabas mula sa bumaligtad nilang sasakyan at inilabas ang isang karton at dinala sa madamong lugar, malapit sa ilog.
Nang hanapin ito ng pulisya sa di-kalayuang lugar mula sa pinangyarihan ng aksidente ay nakita ang nasabing karton at naglalaman ng mga dried marijuana.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon