“P1.9 BILYONG UTANG NG TABUK CITY SA DBP, ANONG KAHIHINATNAN?”

Nov 20, 2022

Umusad nang malaking hakbang ang reklamong graft sa Ombudsman ukol sa P1.9bilyong utang ng Tabuk City, Kalinga sa Development Bank of the Philippines (DBP). Kung tutuusin, malaking hakbang na ang bigyang pansin ng antigraft body ang wari’y paglabag sa batas. Nakapagsumite na rin sa anti-graft body sina Mayor Darwin Estranero, 11 pang kagawad ng Tabuk City council, at iba pang opisyal ng lungsod ng kanilang counteraffidavit na kalakip ang kanilang mga kontraebidensiyang walang nalabag na batas o alituntunin ang pagutang ng P1.9 bilyon para tustusan ang mga proyektong imprastraktura.

Tiyak namang makikita ng Ombudsman kung sina Mayor Estranero at 10 opisyal ng Tabuk City ay lumabag sa R.A. 3019 (The Anti-Graft and Corrupt Practices Act) o nagsinister commit ng Grave
Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service o lumabag sa Local Government
Code of 1991, matapos ng diumano’y mga irregularidad sa pag-utang ng siyudad ng Tabuk gamit ang 15 taong Internal Revenue Allotment bilang “security guarantee” ng utang.

Hindi biro ang laki ng halaga ng inutang ng Tabuk at lalong hindi ang dami ng nasasakdal na mga personahe kasama sina Konsehal Chester A. Alunday, Dick G. Bal-o, Ivan Yannick S. Bagayao, Kristian B.
Wandag, Glenn Julius B. Amla, Elvis B. Tabanganay, Eduardo A. Sacayle, Castor G. Cayaba, Martinez T. Vicente, Henry B. Tubban, Jr. at Juan Tomas T. Duyan. Nasasakdal din sina Bids and Awards Committee
chairman Arnold Tenedero at DBP Tuguegarao Lending Center Head, Emil Antonio Calimag.

Ngunit pinapanagot sina Estranero dahil ayon sa reklamo bukod sa kadudadudang pagproseso ng pagutang ay lubhang malalagay sa alanganin ang mga mamamayan ng Tabuk City pagdating ng panahon dahil sila naman ang magbabayad nito. Paano kung bulilyaso ang mga pinaglaanang imprastraktura?
Nang unang idinulog ang reklamo noong Marso, mangilan-ngilan lang ang naniwalang may patutunguhan
ito. Lalo na’t nananatili ang agam-agam ng karamihan na walang patutunguhang mabuti ang mga reklamong katulad.

Ngunit pinatunayan ng opisina ni Ombudsman Samuel Martirez na maaring umasa ang mamamayan sa agarang aksyon ng anti-graft body upang igawad ang katotohanan at katarungan. Tiyak marami pang
papatunayan ang Ombudsman sa pag-inog ng kasong hinaharap nina Estranero. Kung nagkataon ba’y isang makasaysayang pangyayari sa bata pang siyudad ng Tabuk ang kahihinatnan ng isyung
kinasasangkutan ng napakaraming mga kawani ng pamahalaan?

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

PROPETA

Nostr adamus….ang propetang diumano ay nakakita ng mga pangyayaring magaganap na sa ngayon sa buong mundo. Naging katotohanan na ang mga...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest