PROPETA

Nov 20, 2022

Nostr adamus….ang propetang diumano ay nakakita ng mga pangyayaring magaganap na sa ngayon sa buong mundo. Naging katotohanan na ang mga hula nya na nararanasan ngayon ng buong daigdig.
Siguro kung siya ay pinaniwalaan agad noon pa…maaring may sipa ng kanyang nagkatotoong mga
hula. Noong panahon iyon, kinailangan ang kanyang pagiging propeta. Sa ngayo, kinakailangan pa ba? Bakit? Buong mundo… dumaranas ngayon ang mga ibat’ibang klase ng krisis.

Walang ligtas mapa-mayaman o maliliit na bansa. May kanyakanyang krisis sa sakit, kalamidad, kabuhayan, siguredad, ekonomya at lahat na yatang nasa ibabaw ng mundo. Kaya bulong ng marami: sana muling mabuhay si Nostradamus sa panahong ito baka sakaling maampat ang hagupit ng mga krisis sa ating buhay. Sana… matapos na ang hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Malaking pinsala na
sa mundo ang idinulot ng gyera ng dalawang.

Sana, magwakas na rin ang iringan ng iba pang mga bansa gaya sa parteng Gitnang Silangan at West
Phil. Sea. Pero sabi ng marami: nasilang na yata ang mundo mula sa sinapupunan ng mga sigalot o di pagkakasundo kahit pa noong sinaunang panahon. Kahit pa sa panahon nina Abraham, Moses, Noah
hanggang kay Poong Hesus…hidwaan sa pagitan ng mga lahi at paniniwala ang dahilan. Dito sa ating bansa, marami tayong problema na nangangailangan ng kasagutan ni Nostradamus.

Sana wala ng mga iringan at balitaktakan kung eleksiyon ang usapan. Bago at tapos na ang eleksiyon…sala- salabat pa rin ang mga problemang kinakaharap. Ang sakit kasi ng ating lipunan ay ito: alam
nating sa ikaiigi ng lahat ang mga programa pero tinutuligsa pa rin natin kahit sa huli ay aayon ka rin. Gusto lang nating pumapel, umepal o ipakilalang andito tayo at meron ding nalalaman. Sana, mawala na ang ugaling ito.

Sana ang solusyon sa mga problema ay maisakatuparan na di na kinakailangan ng maraming che-che-bureche. Sa panahon ng pandemya, marami ang sumusuway sa health porotocol. Kapag tinamaan ng
Covid saka manininisi. Sana ang mga illegal na gawain sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay magwakas na dahil yan ang nagpapahirap sa ating mamamayan. Sa kagagawan ng iilan, buong lipunan ang apektado. Dahil sa kinang ng salapi, kaya nilang ilugmok sa hirap ang kanilang kababayan. Sana ang tunay na hustisya ang umiral sa patas na paraan nang walang kinikilingan.

Praktikal na problema sa kasalukuyan na dapat magkaroon ng tamang hula: ang pagpatay kay Percy Lapid na isang kasama natin sa media. Sana malutas sa mas maagang panahon at umiral ang tunay na
hustisya. Kung sino ang mga dapat panagutin ng batas….sana malaman ng bayan at sana’y di na maulit pa. Sana mabulatlat ang buong katotohanan sa patas na hustisya at maiwasan ang palakasan, impluwensiyahan, takutan at iba pang uri ng paninikil ng karapatan ng nilalang.

Meron kasing mga kaganapan sa ating lipunan na kahit walang sala, kung malakas ang kalaban…bagsak ka sa kulungan. Kaya nauuwi sa pagrerebelde sa paghahanap ng katarungan. Sana magwakas na ang sistemang ito. At sana may isa pang Nostradamus na makakapanghula kung ano nga ba ang naghihintay na kinabukasan ng ating lahi sa panahong ito. Sana may tunay na PROPETA ng makabagong panahon ang isilang para sa ating salinlahi. Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest