P10.8M MARIJUANA BRICKS HULI SA BENGUET

Headlines

TUBA, Benguet – Dalawang drug suspek ang nalambat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa ikinasang buy-bust operation at nahulihan ng mga pinatuyong marijuana bricks na may halagang P10.0 milyon sa Barangay Badiwan, Tuba, Benguet, kaninang umaga (Nobyembre 18).

Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang nadakip na sina Kristofferson Balbin Domogan, 38,ng Barangay Dominican, Baguio City at Jason Bananao Ewad, 29, ng Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni Castro, makalipas ang masusing negosasyon ay nakumbinse nila ang mga suspek na ibenta ang kanilang droga at agad na ikinasa ang buy-bust operation.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 90 piraso ng dried marijuana bricks na may timbang na 90 kilos na nakapaloob sa karton at nakalagay sa loob ng kanilang sasakyan na putting Toyota Innova.

Nabawi din ang isang brown paper bag na naglalaman ng P1,300,000.00 boodle money at cellphone ng mga suspek.

Zaldy Comanda/ABN