P14.6-M MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET

LA TRINIDAD,Benguet

Binunot at sinunog ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office ang kabuuang P14,632,000 halaga ng marijuana plants sa kanilang walang humpay na operasyon sa mga bayan ng Kibungan at Bakun sa lalawigan ng
Benguet, noong Mayo 25,27,28. Ayon sa Benguet PPO, nadiskubre ng mga tauhan ng Kibungan Municipal Police
Station, PIU/PDEU-Benguet; Nadiskubre ng Regional Intelligence Division (RID)-PRO Cordillera, at PDEA-CAR ang humigit-kumulang 90 kilo ng pinatuyong tangkay ng marijuana na may mga namumunga sa isang communal forest, na itinambak at itinago sa ilalim ng isang rock shade na natatakpan ng plastic canvas at may kabuuang Standard Drug Price na P10,800.000.00 sa Sitio Ginawang, Barangay Poblacion, Kibungan Benguet,noong Mayo 25.

Isa pang plantasyon ng marijuana ang natuklasan at sinunog ang 500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at 20, 000 grams ng Dried Marijuana Stalks with Fruiting Tops na may SDP na P2,500,000.00 sa Sitio Al-aligbo sa Barangay Poblacion, Kibungan,noong Mayo 27. May kabuuang 11,000 gramo ng dried marijuana, na may halagang P1,320,000.00 ang nasamsam sa isinagawang operasyon sa Sitio Bulisay, Barangay Kayapa. Bakun, Benguet noong Mayo 28. Ang lahat ng mga natuklasang pinatuyong halaman ng marijuana ay naidokumento at sinunog sa lugar
habang sapat na mga sample ang kinuha para isumite sa Regional Forensic Unit- Cordillera. Pinuri naman ni PRO Cordillera Regional Director, Brig,Gen. David Peredo,Jr., ang mga Cabalyero cops sa kanilang walang humpay na operasyon, bilang mandato na protektahan ang mga mamamayan laban sa iligal na droga.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon