P1M utang ng trade fair organizer, sinisingil ng lungsod

Kinumpirma ni Mayor Mauricio G. Domogan na may sulat ng ipinakita ang City Social Welfare and Development Office para sa kasulatang paghahabol laban kay Rocky Aliping at lokal trade fair organizers na ipadala na ang natitirang P1milyon na balanse mula sa mga napagkasunduang P2milyon na bayad para sa lungsod na nag-sponsor sa ginanap na higit sa isang buwan na operasyon ng trade fair sa Juan Luna Drive, Burnham Park.

Sinabi ni Domogan na inaasahan nitong aayusin ni Aliping, na organizer ng pinalawig na trade fair bilang kapalit ng City Social Welfare and Development Office, ang kanyang obligasyon dahil ang mga nalikom sa mga trade fair ay inilaan upang suportahan ang rehabilitasyon ng mga drug surrenderers sa lungsod.

Kahit hindi kabilang ang mayor sa naging kasunduan sa pagitan ng City Social Welfare and Development Office at ni Aliping, na isa ring board member ng directors ng Benguet Electric Cooperative (Beneco), sinabi nito na mahalagang bayaran ng trade fair organizer ang napagkasunduan upang magkaroon ang tanggapan ng kanilang pondo na gagamitin sa rehabilitasyon ng drug surrenderers at magamit na rin para sa kanilang pangkabuhayan.

Batay sa mga komputasyon na ginawa ng opisina ng lungsod sa bilang ng mga nagamit na stalls sa itinalagang trade fair area, ang trade organizer ay may sapat na kita upang mabayaran ang P2milyon na ipinangako sa City Social Welfare and Development Office.

Nag-utos si Domogan sa tasked CSWD officer Betty Fangasan na harapin at kausaping mabuti si Aliping upang maisara na ang naturang isyu kasama ang pagbabayad ng P1 milyon na balanse.

“Hindi naging magandang karanasan itong pakikisosyo ng lungsod sa trade fair organizers sa pagsasagawa ng fund-raising na siyang marangal na gawain na kung saan labis na nag-alala ang opisina kung kaya hindi na mangyayari ang pakikipag partner sa trade fair organizers at pigilan ang kanilang mga gawain sa mga pampublikong lugar na may pagkukunwari ng pagpopondo sa marangal na mga proyekto ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na mga kagawaran ng pamahalaan,” ani Domogan.ABN

Amianan Balita Ngayon