Sinabi ng Department of Health na higit pang nakakaalarma ngayon ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng mga tinatamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Cordillera Administrative Region.
Sa kamakailang Kapihan on Health na ginanap noong Lunes, Mayo 8, 2017, sa Secretary’s Cottage BGHMC compound, Baguio City ay iniulat ng DOH-Cordillera ang pinakahuling datos sa kaso ng HIV sa rehiyon.
Mula Enero hanggang Pebrero nagyong taon, pumalo na sa 28 ang nagpopositibo sa HIV kada araw sa National Region at 18 dito ay nagmula sa CAR; malayo sa 1 kaso sa kada araw noong 2008 at 26 naman kada araw noong 2016. Mula noong 1984 hanggang 2017 ay 316 na kaso na ang naitatalang nagpositibo sa sakit na ito at 7% o mahigit 26 dito ang naitalang namatay.
Sa kabuuang datos, dalawang taong gulang ang pinakabatang naitalang may HIV at 62 naman ang pinakamatanda.
Sa kasalukuyang kaso sa CAR, 21 ang pinakabata at 34 naman ang pinakamatanda. Gayun pa man, 4% sa 18 na nagpositibo ngayong taon ang naitalang patay.
Kasabay ng pag-aanunsyo sa gaganapin na AIDS Candlelight Memorial Day sa ika-21 ng Mayo, higit pang tinalakay ni Dr. Celia Flor Brillantes, coordinator ng STI/HIV-AIDS, Leprosy ng Baguio City Health Services Office, at Cherrie Caluza, coordinator ng STI/HIV-AIDS Prevention and Control Program ng DOH-CAR, Communicable Disease Cluster, ang usapin tungkol sa sakit na ito.
Ayon sa kanila, MSM o male having sex with male ang pinakamataas na pinanggalingan ng kaso ng HIV. Dahil sa 18 na naitalang kaso ng HIV dito sa CAR, walo rito ay homosexual at 10 naman ay bisexual kung kaya 90% ay mga lalaki. Gayun pa man, mayroon ding kaisa-isang straight man na naitalang nagpositibo sa HIV. Ngunit paglilinaw ni Dr. Brillantes, tumaas ang kaso ng MSM dahil sa tumaas din na bilang ng populasyon, ngunit di talaga maipagkakailang madami ang kaso ng MSM sa Baguio.
Kaya naman, bilang paglaban sa lumalalang kaso ng HIV, mahigpit na babantayan ngayon ng DOH ang pagpaparehistro ng mga sex workers at entertainers. Magkakaroon din sila ng active night inspections dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga freelancers sa lungsod.
Maliban dito ay tumaas din ang bilang ng mga HIV testing centers kaya sinasabing umaabot na rin ng 20-30 tao ang nagpapa-HIV test kada araw. Mayroon din silang tinatawag na mga Peer Educators na lumilibot sa lungsod ng Baguio upang higit pang bigyang kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa sakit na ito. At isa pa sa mga programang inilunsad ng DOH, kasabay ng selebrasyon ng AIDS Candlelight Memorial Day na may temang “Ending Aids Together”, inanunsyo rin ni Caluza na magkakaroon ng free HIV Testing Region wide. Rhozel Nicole J. Sobremonte, New Era University / ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024