LA TRINIDAD,Benguet
May kabuuang P21,220,220.00 halaga ng iligal na droga ang nakump iska,samantalang walong drug pusher ang nadakip sa patuloy na antiillegal drug operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Nobyembre 19 hanggang 25. Sa pagbanggit sa tala ng Regional Operations Division, sa magkahiwalay na operasyon ng marijuana eradication, 14 na clandestine na marijuana
plantation ang pinagbubunot na may kabuuang 73,950 piraso ng fully grown marijuana plants at
4,500 piraso ng marijuana seedlings na may kabuuang Standadrd Drug Price P21,090,000.00 mula sa lalawigan ng Benguet at Kalinga.
May kabuuang 19.15 gramo ng shabu na halagang P130,220.00 ang nakumpiska naman mula sa walong drug personalities na nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa rehiyon. Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kanikanilang arresting unit, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa R.A.9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga suspek.
ZC/ABN
December 2, 2023
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025