P27.7M halaga ng marijuana winasak, 4 drug pushers timbog

LA TRINIDAD, BENGUET – Sinalakay ng magkakasanib na operatiba ng Kalinga Drug Enforcement personnel, Provincial and Regional Maneuver Force Battalion at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang dalawang barangay sa Kalinga na may pataniman ng marijuana. 
Sa dalawang araw na operasyon, 17 marijuana plantation sites na may kabuuang land area na 17,915 square meters na natataniman ng 132,020 fully grown marijuana plants at 3,000 gramo ng marijuana stalks, na may halagang  P27,779,000 ay natagpuan noong Hulyo 19 sa Barangay Butbut Proper at Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Iniulat naman ni Chief Superintendent Rolando Nana, regional director ng  Police Regional Office-Cordillera, ang pagkakadakip sa apat na drug pushers sa magkakasunod na buy-bust operation sa rehiyon.
Kinilala ang female drug pusher na si Marica Day Rizal Santos, 28, alyas “MARICAR” ng Scout Barrio, Baguio City, nadakip sa Centerpoint Plaza, Bakakeng Central, Marcos Highway, Baguio City.
Nahuli siya sa aktong nagbebenta ng shabu sa halagang P3,500 sa nagpanggap na buyer.
Samantala, sina Catherine Perez Hieras, 48, chef, ng Pines Park, La Trinidad, Benguet ay nasakote sa may Upper Session Road, Baguio City; Davis Polinec Edwas, 39, laborer, ng Upper Rock Quarry, Baguio City, ay nadkip sa Slide, Tuding, Itogon, Benguet; at Marlon Andaway Mahoy, 40, driver, ng Dagupan Centro, Tabuk City ay nadakip naman sa Mapaway, Ipil, Tabuk City, Kalinga. ZALDY COMANDA / ABN

Amianan Balita Ngayon