P378 milyon para sa school buildings, inilaan sa Baguio

Nov 18, 2017

Kailangan nang maipamahagi ang mahigit P387 milyong pondo na nakalaan para sa rehabilitasyon, pagpapaayos, upgrade at konstruksiyon ng mga paaralan sa iba’t ibang parte ng lungsod upang maiwasang maibalik ito sa general fund sa susunod na taon.
Ayon kay Engr. Rene Zarate, district engineer ng Department of Public Works and Highways-Baguio City District Engineering Office (DPWH-BCDEO), na ang Special Allotment Release Order (SARO) ng pondo ay matatanggap ng ahensiya anumang oras upang ang mga proyektong school buildings ng halos 17 public schools sa lungsod ay maaari nang maisagawa sa unang quarter sa susunod na taon at upang nakahanda na sa oras na kailanganin ng mga mag-aaral bago magsimula ang pasukan.
Dapat sana ay may 22 public schools sa lungsod ang mabebenipisyuhan sa mahigit P457 milyong pondo ng school buildings na inilaan ng departamento ng edukasyon ngayong taon.
Ngunit, paliwanag ni Zarate, base sa validation ng technical personnel ng ahensiya, sa mabebenipisyuhan na public schools ay may apat na paaralan ang nadiskubreng hindi nabigyan ng pondo na nagkakahalaga ng mahigit P70 milyon.
“We are elated that the funds that were earmarked for the school building projects will be released anytime pursuant to the advance notice that was relayed to our office so that we can already start working out the bidding and implementation of the projects to prevent the funds from reverting to the general funds once it will not be released before the end of the year,” ani Zarate.
Paliwanag pa niya na para sa mga paaralang mabebenipisyuhan ng school building fund sa susunod na taon, ang ahensiya katulong ang departamento ng edukasyon ay magsasagawa muli ng validation para sa pagtatala ng mga proyektong nangangailangan ng pondo. Ang validated list ay ipapasa sa central office para sa pagpoproseso ng pondong ipapamahagi mula sa budget department.
Aniya, mahigpit na susubaybayan ng ahensya ang implementasyon ng programa upang ang mga proyekto ay matatapos ayon sa existing standards na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na gagamit.
Malaki ang kumpiyansa ni Zarate na mas marami pang paaralan sa iba’t ibang parte ng lungsod ang mabebenipisyuhan ng proyekto ng pamahalaan upang makatulong na mapaluwang ang iba’t ibang klase at makapagbigay ng sapat na classrooms para sa mga inaasahang pagtaas ng enrolment ng senior high school na nagsimula ilang taon na ang nakararaan.
Ang Department of Education at DPWH ay pumasok sa isang kasunduan para maging tugma ang pagpapatupad sa school building program ng pamahalaan na inaasahang magbubunga ng mas mabilis na implementasyon ng napakaraming proyekto na nakahilera sa pagpapagawa, rehabilitasyon, upgrade at konstruksiyon ng mga school building at classrooms sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa implementasyon ng K to 12 basic education program. ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest