Walang paaalisin sa night market extension – Domogan

Nov 18, 2017

Sinalungat ni Baguio City Mayor Mauricio G. Domogan na mayroong jeepney association ang paaalisin sa oras na maisakatuparan ng Baguio City Market Authority (BCMA) at ipatupad ang naaprubahang extension ng night market sa bahagi ng Perfecto St.
Ang extension ay pangunahing nakatuon sa pag-accommodate sa daan-daang walk-in vendors na gustong magbenta ng kanilang mga kalakal sa lugar.
Tinuligsa ng mayor ang ilang indibidwal at grupong nagkakalat ng kalituhan sa mga miyembro ng iba’t ibang jeepney associations na gumagamit ng bahagi ng Perfecto St. bilang terminal, at nagsasabing ang extension ng night market ay dinisenyo upang magbenepisyo ng matagal sa mga walk-in vendors na pumipila sa City Treasury Office upang subukang makapagbenta ng kanilang kalakal sa pamamagitan ng paghihintay ng slots na hindi mababayaran ng mga lehitimong night market vendors.
Itinanggi rin ng mayor ang balitang kumakalat sa mga driver at operators ng jeepney associations na gumagamit ng Perfecto St. bilang terminal na ang operasyon ng night market sa nasabing lugar ay mag-uumpisa mula 6pm na mas maaga kaysa sa 9pm na regular na pag-uumpisa ng night market sa kahabaan ng Harrison Road.
Sinabi pa ng mayor na walang jeepney association ang paaalisin mula sa nakalaang parking slots, salungat sa mga balita sa mga jeepney drivers ng Kias na ang kanilang loading area ay maililipat sa lumang city auditorium dahil ang lugar na nakalaan sa kanila ay gagamitin para sa extension ng night market.
“We have to explain to the officers and members of the concerned jeepney associations that the extension of the night market operations along portions of Perfecto St. will not result to their displacement because the BCMA will not approve the proposed extension if there will be some individuals and groups who will be deprived of their sources of livelihood. We will take the initiative of meeting with the concerned operators and drivers for us to be able to address their concerns before the implementation of the extension,” diin ng mayor.
Naisama sa kanyang atensyon na may ilang mga vendor ng night market at mga lokal na opisyal na sinusubukang i-derail ang pagpapatupad ng extension ng night market sa pamamagitan ng pagkalat ng maling impormasyon, na sinusubukang pasiklabin ang malakas na pagsalungat sa nasabing plano.
Ayon pa sa kaniya, ang lokal na pamahalaan ay hindi papayag sa makasarili at politikal na interes ng ilan na manaig mula sa higit na pangangailangan ng publiko para sa mas maraming stalls na kung saan magsasagawa ng negosyo.
Umapela pa ang mayor sa mga concerned sectors na humingi ng paglilinaw sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang isyung lumalabas, nang sa gayon ay ma-update at mabigyan ng mahalagang impormasyon na gagabay sa kanilang desisyon kung totoo o hindi ang mga impormasyong nasasagap nila mula sa kanilang mga kasama at upang hindi masira ang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng lungsod dahil sa maling pananaw at interpretasyon.
Bukod sa pagtatalaga sa mga walk-in vendors bilang mga lehitimong vendor na magpapatuloy sa kanilang kalakalan, sinabi ni Domogan na ang isa sa mga layunin ng extension ay upang palawakin ang mga slots na naunang nailaan sa mga vendor ng night market para sa mas maraming kalakal na matatanggap at magbigay ng breathing space para sa lahat. ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest