P4.2-MILYONG MARIJUANA NASABAT SA KALINGA

CAMP DANGWA, Benguet

Binunot at sinunog ng mga operatiba ng Kalinga Provincial Office at Benguet PPO ang kabuuang
P4,280,000,00 halaga ng mga marijuana sa magkahiwalay na operasyon noong Hunyo 11. Ayon sa Kalinga PPO,
isinagawa ang marijuana eradication operation ng magkasanib na operatiba ng 2nd Kalinga PMFC, Tinglayan MPS, Regional Intelligence Division, PIU/PDEU, at PDEAKalinga na nag-resulta sa pagkaka-diskubre ng 14,250 piraso ng fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na P2,850,000 sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan,Kalinga.

Gayundin, isang 21- anyos na lalaki ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Tinglayan Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Barangay Poblacion. Natagpuan ng mga operatiba ang umano’y kahinahinalang indibidwal at habang papalapit sa kanya ay napansin nilang bahagyang nakabukas ang kanyang bag.

Sa pag-inspeksyon, napag-alaman na ang nasabing bag ay naglalaman ng limang bundle ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na humigit-kumulang 5,000 gramo na tinatayang nasa P600,000.00 ang halaga. Sa Benguet, may kabuuang 5,000 gramo ng pinatuyong halaman ng marijuana at 1,150 piraso ng fully grown marijuana
plants, na may kabuuang SDP na Php830,000.00, ang nadiskubre ng joint operatives ng Bakun MPS, Kibungan
MPS, Benguet PPO PDEU/PIU, RID , RIU-14, at PDEA-CAR sa sunud-sunod na operasyon ng pagpuksa ng marijuana sa mga bayan ng Bakun at Kibungan.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon