LA TRINIDAD, Benguet – Mahigit sa P44.6 milyong halaga ng illegal drugs ang naging accomplishment ng Benguet Provincial Police Office, mula sa kanilang pina-igting na operasyon, lalong-lalo na marijuana eradication.
Sa datos ng Benguet PPO, mula Enero hanggang Marso 13 ngayong taon, nakapagsagawa ng 31 marijuana eradication mula sa mga bayan ng Sablan,La Trinidad,Kapangan,Kibungan,Bakun at ang pinakahuli ay sa bayan ng Atok.
May kabuuang 128,048 fully grown marijuana plant; 2,415 marijuana seedlings; 164,85 kilograms dried marijuana leaves and stalks; 5 kilograms marijuana seeds; 2,2018 grams marijuana dried fruit toppings, na may DDB value na P42,246,600 ang agad sinunog sa operation.
“ Dito muna kami nag-concentrate,dahil ayaw naming kumalat pa ito at maibenta sa merkado. Nagpapasalamat kami sa mga komunidad na nagbibigay agad ng impormasyon kapag may nakita silang tanim na marijuana,kaya agad naming sinisira,” pahayag ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director.Ayon kay Ragay, apat na cultivator na responsible sa pagtatanim ng marijuana sa Sablan at La Trinidad ang sinampahan na ng kaso.
Bukod dito, ang kapulisan ay nakapagsagawa din ng 18 buy-bust operation at police response at nakadakip ng 10 high value individual; 16 street level individual at 2 newly identified na mga drug pusher at nakakumpiska ng 49,4796 gramo ng shabu na may DDB value na P2,406,513,28.
Zaldy Comanda/ABN
March 11, 2020
March 16, 2020
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024