P488K SHABU NATIKLO, 4 HULI SA DRUG DEN SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Muling nakabuwag ng drug den ang magkakasanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera, matapos ang matagumpay na buy-bust operation na ikinadakip ng apat na katao at pagkakakumpiska ng P488,800 halaga ng shabu sa Irisville, Purok 20,Barangay Irisan,Baguio City,noong Oktubre 11. Ito na ang ika-apat nadrug den na nabuwag ng PDEA sa
nasabing barangay at may kabuuang 10 drug na ang nalansag sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Kinilala ni PDEA Regional Director Julius Paderes, ang mga nadakip na suspek na sina Moises Lagmay, may-ari ng bahay; Marjorie Bon-og Uyan, Dindo Mendoza Mislang, at Willy Ordonio Estepa. Bukod sa iligal na droga, nakumpiska rin sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, at isang Nissan Sedan. Nasa kustodiya ng PDEACAR ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala sa tawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon