MALASIQUI, Pangasinan
Isang PhP49 milyong halaga ng 574-metrong haba ng flood control na istruktura sa kahabaan ng Aringay River ay
prinoprotektahan ang mga residente ng mga barangay ng Lloren, Pideg, at Caoigue sa bayan ng Tubao, La Union. Sa isang pahayag noong Miyerkoles ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Ilocos Region information officer Esperanza Tinaza, sinabi niya na ang proyekto ay may taas na 4.2 metro, na dinisenyo upang makayanan ang malakas na daloy ng Aringay River.
“Ang istrukturang ito ay mahalaga upang mapigilan ang pag-apaw ng ilog at magdudulot ng kasiraan sa nakapalibot ng mga sakahan at mga residensiyal na lugar,” aniya. Sinabi ni Tinaza na tapat ang ahensiya sa pagpapatupad ng mga kaparehong proyekto sa rehiyon “upang lalong mapahusay ang pagiging matatag ng mga imprastruktura ng La Union laban sa mga likas na sakuna.” Ang konstruksiyon ng istruktura, na pinondohan sa ilalim ng national budget ng taong ito ay nagsimula noong Pebrero 6 at natapos noon Mayo 5. Ang Aringay River ay isa sa mga ilog na tinututukan ng mga lokal na awtoridad sa panahon ng bagyo dahil ito ay salubungan ng ilang sangang ilog sa rehiyon.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
August 24, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024