P546.8M AGRIKULTURA SA APAYAO, SINIRA NI “EGAY”

LUNA, Apayao

Umabot na sa P546,889,454.66 milyon hlaga ng agrikultura ang sinira ni ST Egay sa lalawigan ng Apayao, na nakaapekto sa 11,229 magsasaka at mangingisda, ayon sa datos na inilabas ng Provincial Office of Agriculture Services, noong Agosto 1. Ayon sa POAS, kabilang sa pinsala ang malaking pagkalugi sa mga taniman ng palay at mais, gayundin ang iba pang matataas na halaga ng mga pananim, mga hayop, manok, imprastraktura ng agrikultura, at mga sektor ng pangisdaan.

Ang mga pinsala sa mga partikular na lugar ay Rice plantation- P53,038,911.31; Mais-P357,498,681.00; Mga imprastraktura ng agrikulturaP9,295,000.00; High Value Commercial Crops (HVCC)- P122,575,737.18 at mga sektor ng Fisheries- P4,481,125.17 Sinabi ng supervising
Agriculturist na si Bernardo Bareng, kasalukuyang sinusuri ng mga regional field offices ang lawak ng epekto ni Egay sa sektor ng pananim at pangisdaan.

Nakipagtulungan din sila sa mga yunit ng lokal na pamahalaan at iba pang mga tanggapang kaakibat ng PDRRM upang i-coordinate ang mga pagsisikap sa pagtugon. “Ipadala natin itong
listahan sa central office para malaman nila at mabigyan ng intervention ang ating mga apektadong magsasaka para makapag-restart sila ng kanilang pagtatanim,” pahayag ni Bareng. Samantala, bumisita ang Department of Agriculture Regional Field Office DA-RFO CAR, kasama ang mga tauhan ng Provincial Agriculture Office, sa bayan ng Flora noong Agosto 1 upang tingnan ang
lawak ng pinsalang dulot ni Egay sa sektor ng agrikultura sa bayan.

Sa kasalukuyan, sinusuri at binabantayan ng Department of Agriculture, sa pakikipagtulungan ang Local Government Units (LGU) at iba pang tanggapang may kinalaman sa DRMM sa Apayao, ang mga pinsala sa lupang pang-agrikultura dulot ng kamakailang kalamidad. Ang kagawaran ay
naglalayon na magbigay ng suporta at tulong sa mga apektado/nakilalang magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Kasama sa tulong na ito ang pagbibigay ng 111,873 bags ng rice seeds, 14,426 bags ng corn seeds, at 2,582 kilo ng assorted vegetable seeds, drugs at biologics para sa
livestock at poultry, fingerlings assistance sa mga apektadong mangingisda, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at P500 milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon