P60M upgrade para sa Baguio athletic bowl

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Magkakaroon ng panibagong pagsasaayos ang Baguio athletic bowl sa taong ito sa halagang PhP60 milyon upgrade sa sirang maliit na grandstand. Ang halaga ay mas Malaki kaysa PhP20milyon na inaprubahang upgrade plan na ginawa ng lungsod na dapat sana’y sasailalim sa bidding nito Disyembre matapos ang Palarong Panlungsod.

Ang proyekto ay ipapatupad matapos ang Cordillera Administrative Region Athletic Association meet sa Marso na ang lungsod ang magiging punong-abala, ayon kay city sports coordinator GaudencioGonzales noong Lunes.

“But then here comes the offer of the DPWH (Department of Public Works and Highways) to implement the project when everything has been planned. Although this is a much better offer for us,” ani Gonzales.

Ang maliit na grandstand ay dating tinatawag na isang “bandstand” dahil lugar ito ng marching bands na nagbibigay musika sa panahon ng special events at pagtatanghal. Ang inisyal na plano para sa bandstand maliban sa karagdagang blachers ay mga silid sa ilalim na itataas upang magkaroon ng standard na taas ng kisame ng mga silid sa ilalim nito.

Sinabi ni Gonzales na magiging mas aktibo ang lungsod sa pagpaplano sa rehabilitasyon ng bandstand na ikokonsidera ang mga mungkahi ng city engineers at sports stakeholders. “It will not be like the big grandstand,” ani Gonzales.

Ang malaking grandstand ay naayos noong 2015 ng DPWH, na pinapanatili ang orihinal na istruktura. Kahit dinagdagan ang seating capacity ay dalawang silis lamang ang ginawa sa ilalim ng bleachers, isa sa dulo malapit sa swimming pool para sa sports office at ang isa ay sa dulo malapit sa tennis club na pansamantalang ginagamit ngayon ng City Tourism Office (CTO).

“We earlier suggested that the space underneath the bleachers was throughout so it can accommodate more offices or rooms for sports groups,” aniya. Dalawang magkaparehong espasyo lamang ang ginawa sa bawat dulo, isa ang kaniyang opisina at ang isa ay para sa quarters ng mga atleta na may showers, comfort rooms at lounge ngunit pansamantalng ginagamit ng CTO.

Ang pagbabago sa maliit na grandstand ay naglalapit sa lungsod na maakmit ang isang sports facility na angkop sa pangangailangan ng mga atleta ng lungsod matapos ang paglalagay ng isang rubberized track, ang rehabilitasyon ng Olympic size pool na opisyal na binuksan noong Oktubre 30, ang pagsemento ng espasyo harap ng mga pool para sa removable basketball at volleyball courts, at iba pa.

Ang huli ay ang konstruksiyon ng multi-purpose sports facility gayundin ang upgrade ng tennis court na minimintina ng Baguio Tennis Club. Una dito ay sinabi ni Paul Rillorta ng city tourism office na ang tennis court ay magkakaroon ng bagong latag, isang hardcourt at isang takip na magagamit sa volleyball games, sa halip na isang multi-level structure na napakamahal at taon bago makumpleto.

Iba pang ball events ay maaaring isagawa sa four-court facility, na dating three-court tennis court ng ito ay pangasiwaan ng grupo noong 70s.

 

PML-PNA/PMCJr.-ABN