P67.8-M pasilidad mula DOH, ilalaan sa 7 ospital sa Pangasinan

Sep 25, 2017

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakatakdang lagdaan ni Governor Amado Espino III sa susunod na linggo ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Health (DOH) na magbibigay ng P67.8 milyong halaga ng pasilidad para sa pitong hospital na pinamamahalaan ng provincial government.
Ang provincial board na pinangungunahan ni Vice Governor Jose Ferdinand Z. Calimlim Jr. ay buong pagkakaisang inaprubahan ang resolusyon na nagpapahintulot kay Espino upang pumasok at pumirma sa MOA.
Lalagdaan ni Espino ang MOA kabilang si DOH Regional Director Myrna Cabotaje para sa implementasyon ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng 2017 para sa pitong hospital na pinamamahalaan ng probinsiya ng Pangasinan.
Inihayag naman ni Board Member Jeremy Agerico Rosario ang kumpiyansa nito sa programa upang i-upgrade ang pitong ospital upang magsilbi sa mas maraming pasyente at upang ibigay ang mas magandang serbisyo sa kanila.
Ang pitong hospital ay ang Urdaneta District Hospital, P20 million; Bayambang District Hospital, P6 million; Lingayen District Hospital, P10 million; Asingan Community Hospital, P2 million; Dasol Community Hospital, P11.8 million; Manaoag Community Hospital, P8 million; at Umingan Community Hospital, P10 million.
Ang HFEP ay programa ng DOH na may layong mapabuti at i-upgrade ang health facilities sa rural areas upang sapat na magbigay ng emergency at pangunahing mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga tao.
Nabanggit ni Board Member Angel Baniqued Jr. na ang Pangasinan ay isa sa mga benepisyaryo ng HFEP ng tatlong taon.
Inihayag din ni Dr. Cielo Almoite, assistant provincial health officer, na ang pitong ospital ay nakatanggap ng parehong proyekto sa nakaraang taon.
Ang gastos sa pagpopondo bawat hospital, dagdag niya, ay depende sa nakitang kailangan na sinuri ng Provincial Engineering Office (PEO) para sa pag-apruba ng DOH regional office.
Inilunsad ang HFEP ng DOH noong 2008 upang maisaayos ang nationwide government hospital system para sa Health Reform Sector Agenda.
Prayoridad ng pagpopondo ay ang pag-upgrade ng licensing classification at PhilHealth accreditation ng mga government hospitals at expansion ng serbisyo sa mga tertiary hospitals upang magbigay ng mataas na kalidad sa pangangalaga. LEONARDO MICUA, PNA / ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest