P7.7-M DROGA NASAMSAM, 9 DRUG PUSHER ARESTADO

CAMP DANGWA, Benguet

Nasamsam ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang mahigit P7.7M halaga ng iligal na droga at naaresto ang siyam na drug personalities sa isang linggong anti-illegal drug operation na isinagawa mula Mayo 5 hanggang 11. Batay sa ulat mula ng Regional Operations Division, may kabuuang 20 anti-illegal drug operations ang isinagawa sa buong rehiyon. Kabilang dito ang 11 marijuana eradication operations, apat na buy-bust operations, apat na pagpapatupad ng search warrants, at isang serbisyo ng warrant of arrest. Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkumpiska ng 37,350 fully grown marijuana plants (FGMJP), 1,000.00 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at mga namumunga, at 25.44 gramo ng hinihinalang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na
P7,762,992.00.

Dagdag pa rito, siyam na drug personality ang naaresto, dalawa sa kanila ay inuri bilang High Value Individuals (HVI), habang pito ang nakalista bilang Street Level Individuals (SLI). Ang pinakamahalagang operasyon ay naitala sa Kalinga, kung saan winasak Kalinga Police Provincial Office ang 29,300 FGMJP at nasamsam ang 6.50 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P5,904,200.00, at naaresto ang apat na SLI. Sa Benguet, sinunog ng Benguet PPO ang 8,050 FGMJP at nakumpiska ang 1.30 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P1,618,840.00, at nahuli ang isang SLI.

Bukod dito, ang Baguio City Police Office tiklo ang isang HVI at dalawang SLI, at nasamsam ang 1,000.00 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga namumunga at 10.64 gramo ng hinihinalang shabu na may pinagsamang halaga ng P192,352.00, habang sa Mountain Province, nakumpiska ang 7.00 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP47,600.00. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pagsisikap, dedikasyon, at pagtutulungan ng mga operatiba ng PRO CAR at ang suporta ng komunidad sa patuloy na paglaban sa ilegal na droga upang matiyak ang mga komunidad na walang droga sa buong rehiyon ng Cordillera.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon