BACNOTAN, La Union – Mahigit sa P84 milyong halaga ng mga shabu at iba pang mga dangerous drugs na nakumpiska ng pulis at Philippine Drug Enforcement Agency mula sa rehiyon ng
Cordillera ar Rehiyon 1, ang sinira sa pamamagitan ng thermal destruction sa Holcim Philippines, Inc compounds, Bacnotan, La Union,noong Abril 22.
Nabatid kay PDEA Cordillera Regional Director Gil Castro, may kabuuang 979.8303 gramo ng Methamphetamine o’ shabu; 4.6550 ml of liquid shabu; 639,695.9333 grams of marijuana; 2016.4 ml of marijuana oil; 467.7342 grams of marijuana seeds; 673 pieces of marijuana plants at 24 pirasong stalks, na may over-all total na P84,047,913.39, ang sinira sa pamamagitan ng thermal destruction procedure.
Ito ang ikalawang thermal destruction ng mga illegal drugs na naisagawa, una ay noong Disyembre 2020 at mahigit sa P60 milyong halaga ng droga ang sinira, mula ng magkaroon ng Memorandum of Agreement ang PDEA at Holcim Philippines – Bacnotan, na gamitin ang kanilang pasilidad at equipment para sirain at hindi na muling magamit ang mga nakumpiskang shabu.
Ayon kay Castro, ang mga nasabing dangerous drugs ay bahagi ng mga nakumpiska sa mga anti-illegal drug operations ng pulis at PDEA units at naging ebidensya sa korte laban sa mga nahuling suspeks.
“Majority sa ebidensyang ito ay natapos na sa korte at sila na mismo ang nag-utos na sirain na ito.” Pahayag ni Castro.
Aniya, ang agarang destruction ng mga droga mula sa natapos na kaso sa korte sa ilalim ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Dangerous Drugs Board Regulation No.1 s. 2002, deretiba ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, na mandato mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Thermal decomposition is a process by which compounds are broken down into single units by application of heat, when applied to dangerous drugs, this procedure will cause the drugs to lose their chemical value, rendering it impossible for recycling or reconstruction,” pahayag pa ni Castro.
Ang destruction ceremony ay sinaksiman ni ASec. Gregorio Pimentel, PDEA Deputy Director General for Operations, na nagsilbing guest of honor and speaker, na dinaluhan nina PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Lee; Frederick Vallat, of Geocycle Philippines at ilang local offcials.
Zaldy Comanda/ABN
May 17, 2025