LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinangako ng Communist Party of the Philippines na ipagpapatuloy ang pag-atake sa mga kompanya ng minahan at ng iba pang itinuturing nitong kalaban ng kalikasan matapos na ni-reject ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Georgina Lopez bilang kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.
“The NPA will continue to implement policies of the people’s democratic government,” saad ng CPP.
Sinabi ng grupo na ang mga hukbo ng New Peoples Army ay magpapatuloy na ipapatupad ang kautusan na parusahan lahat ng mandarambong at pigilan ang lalo pang pagkasira ng kapaligiran dahil sa mga kompanya ng minahan at malalaking mga plantasyon.
“The Filipino people can always rely on the (NPA) to defend their welfare and interests,” giit ng ng grupo.
Sa pag-reject kay Lopez, sinabi ng CPP na “the Filipino people and their revolutionary forces lost an additional friend in their struggle to defend the environment and the livelihood of peoples, especially the masses of peasants and national minority peoples.”
Saad ng CPP, nagpapakita lamang ito sa maigting na pangangailangan sa pagkakaisa ng mamamayan para lumaban sa mga kompanya ng minahan na nananamantala sa mga pamana ng bansa at gumagamit ng mga militar at armadong grupo upang apihin ang mga tao at ang kanilang kinabibilangang komunidad.
Samantala, maging ang Cordillera Peoples Alliance at Ilocos Network for the Environment (Defend Ilocos) ay nagpahayag ng maigting na pagkondena sa rejection kay Lopez.
Sa pamamagitan ng kanilang ipinadalang press statements ay isinaad ng dalawang grupo ang kanilang pagkadismaya sa CA.
“The CA’s action totally unmasked the subservience of the country’s politicians and bureaucracy to corporations and big businesses. By denying Lopez’s the office that she has effectively headed, the CA upheld corporate profit and plunder over the people’s interest,” pahayag ng Ilocos Network for the Environment sa pamamagitan ng regional coordinator na si Sherwin De Vera.
Pareho rin ang naging himutok ng CPA sa pamamagitan ni Secretary General Abie Anongos, “This event only shows who controls government. We cannot help but think that the mining industry and the mining giants mobilised their millions to influence the CA. We ask, what kind of government puts first big mining businesses over human rights and social justice.”
Sinabi ng CPA na hindi maitatanggi na sa mga lugar na may operasyon ng malalaking kompanya ng minahan ay may paglabag sa karapatang pantao, hindi maisasaayos na pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan ng mga indigenous people sa kanilang mga ancestral lands.
Nanawagan naman ang Ilocos Network for the Environment kay Pangulong Rodrigo Duterte na panindigan ang pagtatalaga kay Lopez at patunayan na kaya ng kanyang administrasyon na tumupad sa kanyang pangako na protektahan ang mga mamamayan at ang kanilang karapatan sa isang balanseng kapaligiran.
“While this is a sad event for environmental advocates, this also gives us more reason to persevere in our struggle against mining and other destructive projects and support the remaining ecowarriors and progressives in the Duterte cabinet,” pahayag ng grupo. May ulat si Ace Alegre / ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024