Payapang naidaos ang State of the City Address ni Baguio City Mayor Mauricio G. Domogan noong ika-27 ng Hulyo 2017 na ginanap sa Baguio City Hall grounds.
Dinaluhan ng mga city officials na sina congressman Mark O. Go, city council na pinamunuan ni Vice-Mayor Edison Bilog, department heads, men and women in uniform at mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Una nitong pinasalamatan si Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa pagkakahirang nito bilang tagapangulo ng Regional Peace and Order Council (RPOC) at Regional Development Council (RDC).
“Hindi ganito kadali ang humawak ng dalawang posisyon na pamumunuan ko, ngunit tinanggap ko ang hamon,” ani Domogan.
Dahil na rin sa maayos at mahusay na pamamahala ng alkalde ay nakita sa kanyang marka ang matapat na pagganap bilang ama ng lungsod.
Buo naman ang suporta ni Domogan sa pangulo at nakikipagkaisa sa adbokasiya na pinaiiral ni Duterte na “war against illegal drugs” at ibang mga katiwaliang gawain sa gobyerno ay hindi nito kinunsinti para sa kapakanan ng mamamayan at ng bansa.
Dahil sa taglay nitong mahabang karanasan ng panunungkulan sa gobyerno ay napapanatili pa rin ang maayos na pamamalakad sa mga plano at programa nang malinaw.
Ngunit sa kabila ng kanyang magagandang plano para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ay hindi pa rin maiwasan ang mga negatibong komentaryo ngunit patuloy pa rin nitong pinag-aaralang mabuti.
Inisa-isa nitong ipinahayag ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taon at ang mga kasalukuyang programa at proyekto.
Nakapokus pa rin dito ang inaasahang pag-aproba sa Autonomy Bill. Aniya, ito ang magdadala ng magandang kapalaran at kabuhayan sa hinaharap hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Ang turismo ang isang halimbawa na magpapalago ng ekonomiya sa lungsod kapag naipatupad ang awtonomiya, aniya.
Ang Summer Capital ay niraranggo din sa 10 sa pinakamataas na 20 MICE (Mga Pulong, Insentibo, Kombensiyon at Eksibisyon) sa bansa.
Sinabi niya na ang lungsod ay nagtala ng tourist arrivals na 1,136,360 sa 2016 na kumakatawan sa pagtaas ng 1.89% kumpara sa mga bumisita noong 2015.
Ang pagsulong ng awtonomiya sa rehiyon, ang pagpapalawak ng BLISST (Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay) at ang ASEAN (Asosasyon ng Timog Silangang Asya) ay magbibigay ng malaking oportunidad para sa paglago ng turismo.
“Ang aming hamon ay ang paggawa ng negosyo at pagbabalanse ng komersyal na turismo nang walang karagdagang pag-kompromiso sa integridad ng kapaligiran ng lungsod,” ani Domogan.
Lahat tayo mula sa kabataan, at sa mga residente sa barangay ay may pakialam para sa maayos, progresibo at payapang lungsod, magsama-sama tayong magtulungan kung ano ang mga ipinatutupad na ordinansa ng lungsod, pakiusap niya.
Tulad ng kalinisan sa ating nasasakupang barangay ay paulit-ulit at lagi tayo nagbibigay ng mga impormasyon kung paano itapos ng maayos ang basura.
Ang social welfare, health services, education, sports development, protective services at disaster preparedness at climate change ang kanyang mga pinuna na pagtutuunan ng pansin para sa komportableng buhay, pagbabago at mahusay na pamahalaan. ABN
August 6, 2017
August 6, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025