PAGBABALIK NG MANGAN TAKU 2023 FOOD FAIR MATAPOS ANG TATLONG TAONG PAGKAKABAKANTE DAHIL SA PANDEMYA

Photo Caption: Chef Waya Araos – Wijangco at Rose Garden Burnham Park showcasing her signature Balatinaw Betel Leaf Wraps also known as “Who’s Your Mama Now” The dish is made with Balatinaw, Kiniing, Betel leaf, Nasturtium flower, gumbayas and tapuey dressing.

Photo by Tristan John Quiano-UB Intern/ABN


 

Kasabay ng pagdiriwang ng National Food Month ngayong Abril, Dinagsa ng mga lokal at turista ang naganap na pagbubukas ng “Mangan Taku 2023” o kilala din bilang Cordillera Food Fair noong Abril 21, 2023 sa Rose Garden, Baguio City. Kapansin pansin na maluwag na ang Baguio City ngayon sa mga pagtitipon matapos ang tatlong taon ng pandemya. Ang pagbubukas ng Mangan Taku 2023 o Cordillera Food Fair ay nagpapakita ng kasaganahan at pagkakaiba ng Cordilleran
cuisine at ang kakayahan nito na magdala ng mga tao sa pagsasama-sama sa pagdiriwang ng pagkain, kultura, at komunidad.

Ito ayisang magandang pagkakataon para sa mga bisita upang masaksihan ang kakaibang kultura ng Cordillera region at masigurong ang Cordillera region ay patuloy na magpapakita ng masaganang kultura ng pagkain at patuloy na magtataguyod ng turismo sa lugar. Ayon kay Jovita Ganongan, “So with great joy and enthusiasm we gather once more to celebrate this year’s edition of Mangan Taku. Where it all began at the heart of Baguio City Burnham Park. This time the event is more special as we are blessed with no restrictions.

Gone are the wearing of face shields and suffocating face masks. Allowing us to savor more food and bask in the festive atmosphere.” Dumalo rin ang mga kilalang chef sa okasyon at ibinahagi ang
kanilang kaalaman sa mga kalahok ng okasyon at nakapagpamalas din sila ng kanilang mga espesyalidad sa pagluluto gamit ang mga kilalang pagkain sa Cordillera. Ayon kay Mayor Benjamin
Magalong, “With unique flavors and techniques that have been passed down through generations and as a region that is constantly evolving. We are always finding ways and innovative ways to showcase our local cuisine.”

Pinatikim ni Chef Waya Pagbabalik ng Mangan Taku 2023 Food Fair matapos ang tatlong taong
pagkakabakante dahil sa pandemya Araos – Wijangco ang kaniyang Balatinaw Betel Leaf Wraps o kaniya ring tinatawag na, Who’s Your Mama Now”. Gawa ito sa Balatinaw, Kiniing, Betel leaf,
Nasturtium flower, gumbayas and tapuy dressing. Ipinakilala rin ni Chef Jam Melchor ang kaniyang espesyal na arrozcaldo gamit ang ‘Chong -ak rice’ na nagmula sa Kalinga. Ayon kay Archimedes Go, “It was very different from the traditional Arrozcaldo that we eat and it’s very encouraging to see that there are more things that we can do with our local delicacies.”

Bukod sa pagkain, mayroon ding mga cultural performances na nagpakita ng mga kakaibang tradisyon at kaugalian ng mga tagaCordillera. Nagpakita sila ng mga tugtuging kultural, sayaw, at iba pang cultural performances na nagpapakita ng mayamang kultura ng Cordillera region.

Rayah Jahziel Tayag-UBIntern/ABN

Amianan Balita Ngayon