LA TRINIDAD, BENGUET – Wala pang natatanggap ang La Trinidad Municipal Police Station (LTMPS) na command memorandum circular ukol sa bago at inimprobahang Oplan Tokhang o Oplan Double Barrel Reloaded.
Ayon ito kay PCI Benson Macli-ing, municipal director ng LTMPS.
Para sa kanya, maganda ang pagbalik ng proyekto sa kapulisan “para naman at least yung mga surenderers natin, masupervise nang maiigi.”
Dagdag niya, sayang din ang nasimulan na pagtulong sa mga surenderers.
Sa kasalukuyan, naghihintay na lamang ang LTMPS ng command memorandum mula sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) para ipagpatuloy ang laban sa droga at tulungan ang mga nalulong dito. Noreen D. Cruz, UB Intern
March 11, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025