PAGBILI NG LUPA PARA SA BOLINAO AIRPORT 70% KOMPLETO NA NGAYON

BOLINAO, Pangasinan

Ang pagbili ng lupa para sa PhP800-milyon Bolinao Airport project sa Pangasinan, isang kaunaunahan para sa probinsiya, ay nasa 70% na ngayon, ani Governor Ramon Guico III. Gayunman, sa isang panayam noong Miyerkoles ay hindi nagbigay ng detalye sa lokasyon ng airport upang hindi makompromiso ang kasalukuyang pagbili ng lupa subalit sinabing ang pondo ay magmumula ang bahagya mula sa provincial government at isang loan mula sa Land Bank of the Philippines.

Sinabi niya na ang Paliparan ay madidisenyong magkakaroon ng isang 1,500- metro runway na kasya ang propeller-type commercial aircraft gaya ng Airbus 320. “Phase two will expand to 2.5 kilometers taxiway for smaller aircrafts, ramp, apron and terminal as well as the roads going to the main road that needs development (Ang Phase 2 ay lalawak sa 2.5 kilometrong taxiway apra sa mga mas maliit na mga eroplano, ramp, apron at terminal gayundin ang mga kalsada patungo sa main road na kinakailangan ng pagbabago)” dagdag niya.

Sinabi ni Guico na ang Bolinao Airport ay mas pasisiglahin ang industriya ng turismo sa unang distrito ng Pangasinan, na ipinagmamalaki ang mga white sand beach, salt farms, ang Balingasay River at ang giant clam breeding area, at iba pa. Ang Pangasinan Link Expressway na magdudugtong sa silangan at kanlurang bahagi ng Pangasinan ay suporta rin sa paliparan. “We hope to finish the airport by 2025 (Inaasahan naming matatapos ang airport sa taong 2025),” ani Guico.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon