PAGBUBUKAS NG LOAKAN AIRPORT SISIGLA ANG EKONOMIYA NGUNIT HANDA NA BA ITO?

Oct 15, 2022

Inanunsiyo ni Mayor Benjamin Magalong na muling magbubukas ang Loakan Airport sa Disyembre tamang-tama sa panahon ng kapaskuhan para sa mga commercial flight dahil sa binibilisan na ng Philippine Airlines (PAL) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang rehabilitasyon ng nasabing paliparan. Pinupulido na ngayon ng PAL at CAAP ang operasyon ng mga domestic trip mula Lungsod ng Baguio papunta sa Lungsod ng Cebu at bise bersa sa isang tourism council na ginanap kamakailan.

Sinabi ni Mayor Magalong na ang magandang kaganapang ito sa pagtutulungan ng Lungsod, CAAP, DOTr, PAL at Cebu Pacific ay magpapalakas sa industriya ng turismo ng lungsod at muling ibalik ang sigla nito. Matatandaan na noong 2009 ay isinara ang Loakan Airport sa commercial na operasyon dahil sa napaulat na kahirapan sa paglapag ng mga eroplano sa panahon ng masamang kondisyon ng panahon subalit nanatiling bukas para sa chartered at military flights. Subalit lumabas din na inabandona ng mga airline companies na nagseserbisyo ng Baguio-Manila-Baguio na ruta sa kadahilanang pangkaligtasan, mahal na pamasahe, at isyu sa hindi okupadong mga upuan na naging dahilan ng kanilang pagkalugi sa
operasyon.

Ang agad na pagbubukas ng Loakan Airport para sa domestic flights ay makakatulong na akitin ang mga high-end na turista na bumisita sa lungsod na gusting umiwas sa malalang trapiko sa Metro Manila makarating lamang sa Baguio at pasiglahin ang pag-unlad ng industriya ng turismo ng lungsod. Gayundin gawing pintuang-daan ang lungsod tungo sa Cordillera. Karagdagang mga isyu at alalahanin na kinakaharap ng operasyon ng plaiparan ay ang mga taong dumaraan, mga sasakyan at hayop na nasa mismong gitna ng runway, kawalan ng access road na lubos na magsasara sa runway sa mga tao at sasakyan.

Siniguro naman ni Mayor Magalong na hindi na papayagan ang mga tao at sasakyan na tatawid sa tarmak sa oras na mag-operate na ang paliparan at tatanggalin ang mga natukoy na mga istrukturang nakakahadlang at nasa 150-meter buffer zone- isang malaking responsibilidad (ang demolition) ngunit kailangan daw maintindihan na para rin ito sa pagbawi ng ekonomiya ng lungsod.

Napakalaki ng ginampanang papel ng Loakan airport na nagsilbing bagsakan ng mga relief good at rescuers na tumulong sa lungsod matapos ang mapaminsalang lindol noong Hulyo 16,1990 nang ang lahat ng daan patungo sa lungsod ay sarado dahil sa maraming pagguho ng lupa. Ang Loakan airport ay isa sa mga paliparan sa bansa na may pinakamaigsing runway na may kabuuang haba na 1.6 kilometro lamang na sapat na magsilbi para sa maliliit na sasakyang panghimpapawid.

Nahadlangan din ng nakaraang administrasyon ang pagsasara ng Loakan airport at ang panukalang gawin
itong expansion area ng Philipine Economic Zone Authority (PEZA), na kung nagkataon ay mapgkakaitan ang lungsod ng access sa mga flight papasok at palabas ng lungsod at ang pagkakataon na hikayatin ang high-end na mga turista na bumisita sa Baguio. Malaki ang pag-asa na sa muling pagbubukas ng paliparan para sa commercial na operasyon ay mas maraming airlines ang mamumuhunan para sa mas maraming biyahe papunta at mula sa Lungsod ng Baguio na kalauna’y pagbawi sa ekonomiya ng lungsod.

Subalit ang pagbuhos ng malaking pera para sa rehabilitasyon at pagpapaganda sa paliparan ay tila masasayang din dahil sa patuloy at lumalalang kondisyon ng panahon, kung saan tila wala ng pinipiling (siklo) ito kung sumalanta. Isa pa, parang kulang ang lungsod sa mga pang-akit na destinasyon na hindi kagaya noon na mayroon tayong Pines Hotel at Hyatt na malimit puntahan ng mga malalaki at mayayamang tao.

Hindi natin sinasabing tuluyang balewalain ang Loakan airport kundi hindi kaya mas mabuting humanap na ngayon ng mas angkop at mas magandang lugar para sa isang mas malaking paliparan imbes na gastusan ng napakalaking halaga ang Loakan? Mananatili ang Loakan airport bilang isang alternatibong paliparan ngunit mas kailangan na natin magkaroon ng mas malaki, mahaba at modern at ligtas na paliparan para sa hinaharap na maaaring maging mas malawak ang oprerasyon. Para sa lokal namang bisita ay makakaakit pa tayo kung magkaroon tayo ng magagara at modernong bus na
magserserbisyo sa kanila.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest