PAGBUWAG SA POLITICAL DYNASTIES – NASA MGA BOTANTE

Halos 250 mga pamilyang pulitikal na tinawag na political dynasties sa Pilipinas ay kumokontrol sa pulitika ng lahat ng 82 probinsiya ng Pilipinas sa lahat ng antas. Ang pagbangon ng mga taipans, ang kartel ng pinaghalong mga pamilya ng pulitikal at oligarkong negosyo na
kumokontrol sa pulitika at nagmamay-ari ng iba’t-ibang kapitalistang mga negosyo ng mga “crony” ay muling binago ang mga pulitikal na alyansa, na tinatayang 234 dinastikong mga pamilya ang nanalo sa mga posisyon noong 2019 midterm elections. Kalimitang mayroon silang malakas at pinagsama-samang support base na nakasentro sa buong probinsiya kung saan dominante sila. Ang mga miyembro ng gayong dinastiya ay kalimitang hindi nililimitahan ang kanilang pakikialam sa mga aktibidad na pampulitika at nakikilahok sila sa mga aktibidad sa kultural at negosyo upang palakihin ng husto ang kanilang bahagi sa gantimpala sa pulitika.

Isang pag-aaral na inilathala ng Philippine political Science Journal ay nakitang may mayroong 31.3 porsiyento ng lahat ng congressman at 23.1 porsiyento ng mga governor ay pinaltian ng mga kamag-anak sa pagitan ng 1995 hanggang 2007. Sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University noong 2019 ay natuklasan na 80 porsiyento ng mga governor, 67 porsiyento ng House of Representatives, at 53 porsiyento ng mga mayor ay nagmula sa mga pamilyang dinastiya. Sa taong 2025, ang pulitika sa Pilipinas ay nagpapakita ng isang kapansin-pansing pagtaas sa dinstikong control, na may tinatayang 80% ng mga governors ang kabilang sa “fat dynastiea”, umakyat mula sa 57% noong 2004. Gayundin, ang representasiyong dinastiko sa House of Representatives ay tumaas sa 67% mula sa 48% noong 2004, at ang posisyon sa pagka-mayor na hawk ng mga dinastiya ay umakyat sa 53% mula 40%.

Noong 2022 Senate elections ay hindi bababa sa 12.5 porsiyento (3) nangungunang mga kandidato ay may mga kamag-anak na nakaupo na sa kongreso. Kapansin-pansin ang 4.5% (800 sa 18,000) mga posisyon na pinaglalabanang ay may iisang mga kandidato mula sa warlord political clans na walang naglakas-loob na lumaban dito. Sinisisi ang mga pulitikal na dinastiya sa patuloy na di pag-unlad ng bansa dahil marahil sa nakikitang nakapamiminsalang epekto ng mga dinastiya sa pulitika ng Pilipinas. Dahil sa, maraming mga angkan na may kontrol sa halos lahat ng pondo ng gobyerno para sa pamumudmod at pagsasagawa ng mga proyektong pinopondohan ng buwis sa kanilang mga terirtoryo na nag-iiwan ng maliit na puwang para sa mga tagalabas upang hamunin ang kanilang pulitikal na kontrol.

Nakita rin ang koneksiyon sa pagitang ng pulitikal na dinastiya at kawalang pananagutan (impunity), dahil sa pagtatayo ng dinastiya ay nagpapahina sa criminal justice system, at mga angkan na kumokontrol sa police, prosekusyon, hudikatura at mga pasilidad sa bilangguan sa kanilang mga teritoryo. Ito ay nagdudulot ng kawalang pananagutan tulad ng Nakita ng bansa sa napakaraming mapangahas na pagpatay dahil sa pulitika. Ang mga pulitikal na dinastiya sa Pilipinas ay kapuna-punang sanhi ng kahirapan, habang bukas na nakikibahagi sa conflict of interest, malawak na pulitikal na katiwalian, nepotismo, pagpapanatili sa cronyism, malawak na paglabag sa karapatang pantao, kolektibong narsisismo, malinaw na mga panloloko sa pulitika at mga iskandalo, mga mapangahas na krimen tulad ng
extrajudicial killings at forced disappearances, gayunpaman, patuloy silang lumalaganap na may kawalang pananagutan sa paglabag sa “conflict of interest” at pinapahina ang criminal justice system.

Ang panawagan laban sa kapangyarihan ng pulitikal na mga angkan sa bansa ay muling binuhay sa pamamagitan ng mga petisyon na hinihiling ang kautusang pilitin ang Kongreso na magpasa ng isang batas na nagbabawal ng political dynasties. Sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ay ipinagbabawal ang mga political dynasty, subalit may pangangailang para sa isang nagpapahintulot na batas upang ipatupad ito. Isinasaad ng Saligang-Batas na, “Ginagarantiyahan ng Estado ang pantay na access sa mga oportunidad para sa pampublikong serbisyo, at ipinagbabawal ang mga pulitikal na dinastiya na maaaring tukuyin ng batas.” Sa loob ng 37 taon ay walang naipasang batas ang Kongreso ukol dito, na hindi naman kataka-taka dahil parehong ang Kamara at Senado ay pinangungunahan ng mga dinastiya sa pulitika kaya halos imposibleng makumbinsi ang mga mambabatas na magpasa ng isang batas kung saan marami sa kanila ay
magiging hindi karapat-dapat na tumakbo sa pampublikong katungkulan.

Namalas na natin ang naging epekto ng mga pulitikal na dinastiya, kung may magandang dulot ay lubhang mas maraming masama ang ibinigay. May magagawa ba tayo bilang mamamayan? Marami tayong magagawa gaya ng pagsasaayos sa pag-iisip ng mga botante
upang makagawa ng pangmatagalang mga repormang pulitikal habang tuloy-tuloy ang panawagan at pagkumbinsi na magkaroon na ng batas ukol dito. Sa ating pagboto ay isipin natin kung sino ang nais nating kandidatong pagsilbihan tayo na hindi inuuna ang pansariling
kapakanan at pamilya, lalo na ang mga kapanalig niya sa pulitika kundi inuunang isipin ang kapakanan ng mga nasasakupan niya.

Amianan Balita Ngayon