Pagdadausan ng SEA Games sa Clark, makukumpleto na

CLARK, Pampanga. Tinatayang nasa 53 porseyento na ang natatapos sa konstruksyon ng modernong sports complex sa New Clark City (NCC) na gagamitin sa 30thSouth East Asian Games (SEA Games) sa Nobyembre 30 hanggang December 11, 2019.
Ang nasabing pasilidad ay bahagi ng Phase1A ng National Government Administrative Center (NGAC) ng NCC, at nakatakdang matapos nitong darating na Agusto, ayon kay MTD Philippines president Patrick Nicholas David at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) partner.
Kabilang dito ang 20,000- seater Athletics Stadium; 2,000- seater Aquatics Center, at Athletes’ Village; at 1.4 kilometrong river park na may bikeways at jogging paths.
Tinatayang nasa 10,000 atleta ang inaasahang dadalo na kinakatawan ng 11 bansa na maglalaban-laban sa iba’t ibang events na may 56 sports.
 
 
Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon