Pagkamatay ng 2 Vietnamese, sisiyasatin ng task force

Sep 30, 2017

SUAL, PANGASINAN – Bumuo ang Pangasinan provincial committee on illegal entrants (PCIE) ng isang sub-task group on investigation (STGI) na magsasagawa ng pagsusuri sa kaso ng dalawang bangkay ng mangingisdang Vietnamese at ng limang iba pa na nahuling ilegal na nangingisda sa Cape Bolinao.
Itinalagang task force chairman si Captain Danilo Enopia ng Philippine Coast Guard (PCG) at vice-chairman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang mga kasapi ng STGI ay mula sa Philippine Navy (PN), Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO), Bureau of Immigration (BI), Department of Justice (DOJ), Department of Foreign Affairs (DFA), at ang Philippine Information Agency (PIA) bilang secretariat.
Sa inisyal na pagpupulong ng task force noong Setyembre 25, ay sinubukan ng mga ito na suriin kung nararapat ang ginawang pagpapaputok ng Navy sa barko ng mga mangingisdang Vietnamese.
Pinanindigan naman ng PN na warning shots lamang ang kanilang ipinaputok at hindi sila nakapatay ng alinman sa mga mangingisda.
Ayon sa ulat ng Navy, tinugis ng kanilang barko ang mga naturang bangkang pangisda nang nagtangka ang mga mangingisda na tumakas.
Sinabi ng tagapagsalita ng task force at PNP Pangasinan Provincial Director Senior Supt. Ronald Lee na isinurender na ng Navy ang kanilang mga armas na binubuo ng 10 piraso ng M-16 rifles at dalawang .50-caliber na baril.
“Sa report ng Philippine Navy ay nagpaputok sila ng warning shots, but hindi pa klaro kung sino o may natamaan o kung nagpaputok din ‘yung sa kabila (fishing vessel) dahil wala tayong nakuhang baril sa kanila,” pahayag ni Lee.
Aniya, ang BRP Miguel Malvar na binubuo ng 49 na crew ay inalis muna sa tungkulin habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.
Tutukuyin din ng STGI kung gumamit ng excessive force ang Navy, at sa bahagi naman ng mga mangingisdang Vietnamese, kung may nangyari na ilegal na pangingisda at paglabag sa Fisheries Code at Environmental Protection Act lalo na at pinasok ng mga ito ang eksklusibong economic zone ng Pilipinas.
Sa ulat ng pulis, ang mga namatay na mangingisda ay kinilalang sina Le Van Liem at Le Van Reo, dalawa sa pitong mangingisdang lulan ng barko. Ang bangkay ng dalawa na may tama ng bala ay nakita sa deck ng barko.
Ang iba pang mangingisda na sina Pham To (captain), 34; Pahn Lam, 34; Nguyen Thanh Chi, 49; Phan Van Liem, 41; at Nguyen Van Trong, 41, ay nakakulong sa Bolinao police station.
Sa isang emergency task force meeting noong Setyembre 27 ay nagtalaga ng isang interpreter para sa mga mangingisda ang Vietnamese Embassy.
Dumating na rin ang pamilya ng mga namatay na Vietnamese sa Pangasinana. VHS/PIA-Pangasinan / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest