PAGKATAPOS NG MGA NAKAUPONG MGA OPISYAL….. ANO NA?

Kumpara sa mga ibang lahi ng mundo, siguro, masasabi nating “unique” o “kakaiba” ang sa atin, Pilipinas. Bakit? Maraming samu’t-saring sagot mga kabayan. Ating busisihin baka sakaling makakapag-iwan tayo ng munting aral….at huwag sanang INIS: Sa mga kasabihan na lamang…binabaluktot o iniiba ang katuturan dahil sa dami ng mga pilosopo sa ating lahi. Yong sinasabi nilang: “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan” – meron pa naman pero
mangilan-ngilan na lang yata. Mas marami na ang mga kabataang nalilihis ng landas, nasasangkot na sa mga mabibigat na krimen.

Tanong: mahina ba ang ating mga batas laban dito? Sabi nila, sobra-sobra na ang mga batas, kulang lang sa tunay na
implementasyon. O kaya’y mahina ang pundasyaon ng kabataan dahil na rin sa kahinaan ng pundasyon ng pamilya? Palakasin sana natin ang aghikaing “nasa kabataan ang pagasa ng bayan”. Kasabihan: ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Matagal nang nababaluktot at iniiba ang Sabi nila: ang lumalakad daw ng matulin, may
humahabol na naniningil ng pautang! Sa simpleng pananaw, marami kasi sa atin ang padalusalos sa pagdedesisyon. Hindi na nagdadalawang-isip lalo kung pagkakaperahan ang usapan.

Walang kama-kamag-anak. Wala na ang galangan. GULANGAN na lamang. Tignan na lamang ang nagaganap ngayon sa West Phil. Sea. Nang dahil sa kasunduan na nangyari sa mga nagdaang administrastyon, NA
SINASAMANTALA NG MGA Tsino, hayan at palala ng palala ang kanilang pambubully sa atin. Panlalamang, in
short…”kasuwapangan” na ang malimit nagaganap. Sabi nga ng mga inis na: “marami nga ang akala mo raw ay maamong tupa bago eleksiyon, nang umupo, naging dambuhalang “buwaya” na sa pananagpang. Iisa na ang puntirya: ang magkamal nang magkamal ng yaman mula sa buwis sa mamamayan.

Parang may sarili silang litanya: “ako muna, bago kayo”!. Malayo sa mga pangako nila noon na “ kayo muna, bago
ako”! Yan ang dahilan kung bakit nawawalan ng galang at pasensiya ang ating kababayan. Marami anghindi na naniniwala sa malinis na eleksiyon. Kapag gumapang ang “pera”, tapos na ang laban. Sabi nga ng ilang negosyante: kaya ka nga namuhunan para kumita hindi para magpakalugi. Kamay na bakal raw ang maaring titimon sa direksiyong dapat nating tahakin sa hinaharap. Isang lider na hindi mayuyupi sa ano mang unos o pagsubok. Hindi
padidikta sa mga demonyong may sariling ambisyon.

Nagkaroon na tayo noon (daw) ng lider na tinaguriang may kamay na bakal, pero nabaluktot din (daw) ayon sa
pananaw ng mga “kontra”. Yan na nga ang mahirap sa atin. Kapag may gumawa ng mabuti para sa bayan, laging may “kontrabida”. Sila daw ang tama. At mas pinaniniwalaan ang mga “kontra-bida” dahil sa padalus-dalos na pagpapasya. Kulang sa mas makabuluhang desisyon. Kung ganito lagi ang situwasyon…saan patungo ang Pilipinas? Lahat tayo, magaling. Walang bobo. Sa ganitong paguugali, saan patungo ang PIlipinas? Kakainggit ang ibang mga bansa. Hanga tayo sa kanilang pag-unlad. Suportado ng mga mamamayan ang kanilang liderato. Di tulad natin.
Para tayong ALIMANGO. ADIOS MI AMOR, CIAO, MABALOS.

Amianan Balita Ngayon