“PAGLILINGKOD SA BAYAN, HINDI PAGPAPAYAMAN”

Ang ipinamalas ni Dupax del Norte, Nueva Vizcaya mayor Timothy Joseph Cayton bilang katangitanging lingkod-bayan ay nagkamit ng papuri sa katatapos lamang na Gawad Parangal ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI)
na ginanap sa SMX Convention Center sa Lanang, Davao City noong Agosyo 15, 2023. Bilang ‘Most Outstanding Local Chief Executive’ sa categoryang 1st—3rd class municipality for Luzon island,
kinikilala ang mga innovations at signature programs ni Mayor Cayton na matatagpuan lamang
sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya lalo na sa programang pagpapaunlad sa lipunan.

Ang katangi-tanging programa ni Mayor Cayton na “Para sa Patuloy na Pagbabago,” na nakatuon
sa kagalingang panlipunan, pampublikong edukasyon, pagpapahalaga sa kalusugan, imprastraktura at pabahay ay tinitingala ng buong bansa. Mula pa noong 2016 nang manungkulan bilang Alkalde, itinalaga na ng Dupax del Norte ang regular honorarium sa lahat ng Sangguniang Kabataan councilors, secretaries at treasurers, pati na rin mga Barangay Tanod at purok leaders. Nagkaroon din ng libreng pabahay sa tribong “Bugkalot”.

Isinabatas din ng lokal na pamahalaan ng Dupax del Norte ang regular ayudang pinansyal sa mga magsasaka ng palay, mais at gulay, regular na ayudang pinansyal sa pagpapaaral sa mga istudyante sa kolehiyo at children with special needs, regular na ayudang pinansyal sa solo parents at kasambahay Regular na inaayudahan din ng Dupax del Norte ang mga dialysis patients at regular
na ginagawarang ng pension ang lahat ng senior citizens na hindi nakakatanggap ng pension mula sa DSWD.

Lahat ng Day Care workers sa bayan ay nabibigyan ng regular na allowances at dagdag na allowances sa lahat ng guro sa elementarya at secondarya sa bayan. Nananatiling hamon, ayon kay Mayor Cayton, na tagapangulo din ng League of Municipalities in The Philippines (LMP)-Nueva Vizcaya chapter, na ipagpatuloy ng bayan ng Dupax del Norte ang sinimulang walang imbot na paglilingkod sa mga mamamayan nito. Ipinagpupugay ng buong sambayanan ang dedikasyon ng mga kawani at mga opisyal ng Dupax del Norte sa tagumpay bilang mga lingkodbayan.

Amianan Balita Ngayon