BAYANI O BALAKID SA PAG-UNLAD?

Sa nakalipas na paggunita natin sa kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban para sa ating bayan….iisa ang tema na paulitulit nating naauusal: pagkakaisa o kapit-bisig para sa
kaunlaran. Tanong: ganito ba tayo ngayon? Para sa tunay na lahi ng mga bayani…masasabi nating may pagkakaisa. Pero sa mga balakid at nakalimot na sa mga simulain ng ating mga bayani…wala na itong halaga. Mas matimbang na sa kanila ang makasariling adhikain sa buhay. Yon bang basta’t siya ay busog, di bale na ang iba.

Lahat tayo ay bayani sa ating sarili. May kanya –kanya tayong gampanin sa kapwa at bayan na maituturing na kabayanihan. Ang masakit lang ay ang pagiging maramot at ayaw ng lumingon sa
pinagmulan. Nawala na ang linyang “malasakit”. Kung noong panahon ng mga Kastila…nakayanan ni Tandang Sora ang patuluyin sa kanyang pamahayan at kupkupin at tulungan ang mga kababayan nating lumalaban sa mga Kastila.

Kanyang ibinuwis ang sariling buhay para sa bayan. Ganun ang ginawa ng lahat ng mga bayani sa iba’t-ibang kapasidad ng pakikibaka sa mga sumakop sa atin. Tanong: sa ngayun, nariyan pa
ba ang init ng pagmamalasakit sa ating kapwa? Meron pa bang diwa ng pagmamahal sa kapwa? Sa palagay mo? Nawawala na nga ba ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa? Sarili rin natin ang makakasagot. Saludo tayo sa ginagawa ng ating kasundaluhan (AFP) sa patuloy na pagdadala ng mga rasyon para sa ng mga sundalo at kababayan nating nagbabantay sa BRP Siera Madre sa West Philippine Sea.

Nagbabantay upang di masakop ng China. Kahit mapanganib, tuloy pa rin sa tungkulin. Tatag ng loob at lakas ng paninindigan na suungin ang alon at panghaharrass ng China ang tanging sandata. Sila, mga bayani ngayun. Tanong: sa tagal na ng panahon na ganyan ang eksena sa WPS, di kaya
nakikialam ang mga matataas na opisyal ng Tsina? Matino naman yata ang usapan sa harapan pero sa likud ay iba naman ang ginagawa. Kitangkita na ang mga paglabag at di makatwirang gawi na saksi pa ang iba’t-ibang bansa…pero bakit kaya matigas pa rin ang paninindigan ng Tsina.

May batas na ang United Nation na di sakup ng Tsina ang naturang teritoryo, pero bakit tuloy pa rin ang panghaharass nila? Kailan kaya matatapos ang tensiyon? Saan kaya ito hahantong? Sa ibang pananaw, bayaning maituturing din ang lahat ng mga gustong pahalal sa Barangay at SK election. Isang kabayanihang maituturing ang kanilang susumpaang manilbihan sa ating bayan. Gaya din ng lahat ng sector ng lipunan na ang serbisyo sa bayan ay di matatawaran ano mang
propesyon sila gumagalaw.

May kanya-kanyang tungkulin sa kapwa at bayan na maituturing ding pagpapakabayani. Di rin
maitatatwa na may mga makasarili ring tao o grupo na nagiging balakid sa pag-unlad ng Pilipinas. May mga tao kasing masaya kapag nakikitang naghihirap ang kapwa. Magpakabayani at huwag
maging balakid sa ating pagsulong. Anumang gawin mong mabuti ngayun ay aani ng kabutihan bukas o makalawa. Anumang kasamaan ay magbubunga rin ng kasamaan. HAPPY BAGUIO DAY!
Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon