PAGTATAPOS NG 3RD MONTAÑOSA FILM FESTIVAL NAGING MAKULAY

Photo Caption: Sinindihan ang bonfire upang idaos ang pagtatapos ng Cinema Rehiyon 15 @ Montañosa Film Festival sa Baguio Convention and Cultural Center nitong ika-una ng Abril. Kasabay nito ang live shadow play ng ‘Pagliyab’ na isinagawa ng Tanghalang SLU, Kadwa Drums at Uni- versity of Baguio Bibak Ubbun Kaafuan.

Photo By Keith Anne Sajor/ ABN


 

BAGUIO CITY

Nagliliyab na winakasan ang Cinema Rehiyon 15 @ Montañosa Film Festival 2023 sa Baguio Convention and Cultural Center, noong Abril 1. Matapos ang isang linggong puno ng aktibidad tulad ng film talks, pitching, lakbay-sine at libreng film screenings sa iba’t ibang lugar ay masayang ipinagdiwang ang pagtatapos ng Montañosa Film Festival 2023.

Ilan sa mga nakilahok sa programang ito ay sina Mayor Benjamin Magalong at ang kanyang asawa na si Arlene Saneo Magalong, City tourism office na si Engr. Alec Mapalo, ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), Cinema Rehiyon at ang mga film directors at film mentors galing sa iba’t ibang lugar.

Binigyan din ng patimpalak at grant ang mga finalists ng Mobile Film Category, Narrative Film Category at Documentary Category. Magpapatuloy ang Montañosa Film Festival sa 2024 bilang dito na malalaman kung sino ang mananalo sa paggawa ng pelikula.

Keith Anne Sajor-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon