Dalawang buwan na lang ay filing of candidacy na para sa 2022 local at national elections, pero itong mga pulitiko ay nagpapakiramdaman pa na tila inaabangan kung sino-sino ang unang magdedeklara ng kanilang kandidatura.
Nag-aabang din ang ating mga local politician sa mga kandidato sa nasyunal, lalong lalo na sa mataas na posisyon (Presidente at Bise Presidente), dahil tila sa kanila nakasalalay ang halalan sa local.
Dito sa Baguio, unang umalingawngaw sa social media at naging usap-usapan ang Go-Olowan-Nerez.Wow, marami ang nag-aabang kung matutuloy ito at kung mananatili daw si Olowan sa Bise-Alkalde, ay Avila-Nerez naman. Wow again. Si Retired General and Atty. Isagani R.Nerez (PMA Class 1984) po ay nagsilbi sa ating lungsod bilang CIDG noong 1990’s, naging Baguio City Director at Provincial Director sa Pangasinan at Regional Director ng PROCOR.
Bago po yan ay naging chief siya ng Anti-Kidnapping Task Force, na nagambag ng kakaibang accomplishment sa pagsugpo ng kidnapping sa ating bansa.
Si Nerez din po ang Founder/Chairman ng AASENSO Partylist at GRACE Guardians na naka-base sa Baguio City.
May nagsasabi bakit daw hindi Mayor ang takbuhin niya. Ayon po sa kanya, malaki ang respeto niya bilang isang PMAer at ang pulitika ay isang malaking usapin para masira ang tinatawag na “alma mater”. Umuugong din na babalik sa pagka-Mayor o’ Congressman si Mauricio Domogan.
May reaksyon naman na dapat daw may limit na sa age ang isang kandidato. Sang-ayon si Pekto dyan. Si Nick Aliping ay matunog daw na kakandidato bilang Mayor. Si Edison Bilog naman ay tila tahimik muna at wala tayong naririnig na isyu.
Sigurado din daw ang pagtakbo ni Joel Alangsab sa Bise-Alkalde, dahil graduated na sa Councilor, samantalag si Elaine Sembrano na gragraduate din ay wala pang malinaw kung magpapatuloy pa sa pulitika.
Marami rin comebacking na Councilor, gaya ni Richard Carino. May humula pa daw na may malalaglag daw na incumbent councilor, dahil wala daw ginawa noong kasagsagan ng pandemya. Well, hindi ako humula ha.
Siyempre, ang pinakakaabangan ng lahat…Senador ba o’ Mayor ulit si Benjamin Magalong?. Iyan ang palaisipan ngayon ng mga pulitiko at ng taongbayan Kahit sa paligid ni Mayor Magalong ay walang makapagsabi kung ano ang plano nito sa pulitika, kaya pakiramdaman muna tayo.
Ika nga ni Pekto, matalino na ang mga botante ngayon, kaya abangan na lang natin kung sinu-sino ang hahatulan ng taongbayan.
July 18, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025