MALASIQUI, Pangasinan
Idineklara ng Malakanyang ang Abril 5 bilang isang special non-working holiday sa Pangasinan upang ipagdiwang ang ika-445 anibersaryo ng pagkakatatag ng probinsiya. Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng Proclamation No. 848 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at inilabas noong Miyerkoles, Marso 26. “It is but fitting and proper that the people of the Province of Pangasinan be given full opportunity to participate in the
occasion and enjoy the celebration (Ito ay angkop lamang at wasto na ang mga tao ng lalawigan ng Pangasinan ay bibigyan ng buong pagkakataon upang lumahok sa okasyon at tamasahin ang pagdiriwang),” pahayag ng proklamasyon.
Unang ipinagdiwang ng Pangasinan ang anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Abril 5, 2010. Noong Agosto 2019, ang noo’y
Prersidente Rodrigo Duterte ay nilagdaan ang Republic Act 11374, na opisyal na idinedeklara ang Abril 5 ng bawat taon bilang “Pangasinan Day”, isang special working holiday sa probinsiya upang gunitain ang pagtatatag nito. Samantala, ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga manggagawa na nasa duty sa panahon ng special non-working holiday ay tatanggap ng
karagdagang 30 prosiyento ng kanilang arawang sahod para sa unang walong oras na trabaho.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
March 29, 2025
March 29, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025