Palit-ulo, no way sagot ni Digong

Jul 2, 2017

No way! Yan ang mabigat na sagot ni Pres. Duterte sa isyu ng palit-ulo. Ganito yan, pards. Kamakailan, sa pamamagitan  ni Abdullah Maute, tumatayong lider ng mga teroristang Maute na palalayain daw nila ang kanilang mga bihag, kasama si Fr. Chito Suganob kung palalayain din ang kanyang ama na si Cayamora Maute at ina na si Ominta Farhana Maute. Ang mensahe ay ipinadala sa pagtatapos ng Ramadan kamakailan. Maikli at matapang ang sagot ni Pangulong Digong: No way at hindi makikipagnegosasyon ang gobyerno sa mga terorista kahit kailan. In short, hindi kakagatin ng pamahalaan ang ganyang negosasyon. Katunayan nga, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi pumasok sa negosasyon ang pamahalaan hinggil sa walong oras na humanitarian pause o ceasefire noong Ramadan kundi mga religious leaders daw ang nagplano.  Ano ang nangyari? Tuloy din ang bakbakan lalo na nang matapos ang takdang oras. At tiyak namin, habang sinusulat ang espasyong ito, atikabong bakbakan pa rin ang nagaganap sa Marawi. Ibig sabihin, NO WAY ang tigil-bombahan hangga’t may natitirang teroristang kalaban, di ba?

*****

Ang nakakaawa sa ngayon ay ang kalagayan ng mga bihag ng mga Maute-ISIS. Nalalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Ang masaklap, hindi lang sa sila’y ginagawang panangga o kaya’y human shields kundi ginagawa pa silang utusan upang magnakaw para sa Maute.  Ang pinakagrabeng ulat ay ang kalagayan ng mga babaeng bihag na ginagawang “sex slaves” o kaya’y sa tagalog: parausan. Husme naman!  Anong klaseng mga hayop ang mga teroristang yan. Yan ang report na nakalap ng mga otoridad kamakailan. Mga bihag din daw ang ginagawang taga-buhat ng mga gamit (baril at bala at pagkain) ng mga Maute. Pero ang pinakamasaklap na eksena ay ang ulat  ng military pagkatapos na kanilang mabawi ang ilang pinagkutahan ng mga terorista – 17-bangkay ng mga hostage ang kanilang narekober, lima rito ay pinagtataga, pinugutan at naa-agnas na. Tsk tsk, tao pa ba ang may gawa nito? Ang bulong ng marami: kaya daw nilang gawin ang mga karumaldumal na yan dahil sa report ng mga otoridad, malamang na gumagamit ng droga ang mga terorista.  Marami na kasing droga ang nasamsam ng mga sundalo mula sa iniwang taguan ng mga Maute kasama na ang mga armas at drogang nakuha sa mga bahay ng ilang naging matataas na opisyal ng Marawi.  Dagdag pa sa ulat ng AFP na arestado rin ang dating Marawi City Mayor na si Fajad Salic dahil sa armas at eksplosibo.  Sinasabi ring si Salic ang  umano’y financier ng Maute-ISIS at ito’y dati ring asawa diumano ni actress Alma Moreno. Haayy buhay nga naman. Ayaw ko nang mangalkal  baka dumami pa ang madadawit. Baka pati pusa at aso nila, pusher na rin.

******

Tama lang, ika ng nakararami, na huwag pumayag sa palit-ulo. Ang dapat, ang ulo ng mga terorista ang kunin at panagutin sa kanilang krimen.  Dapat ding iligtas lahat ng bihag at maging saksi kontra sa mga terorista. Una sa lahat, may kinakaharap na mga kasong kriminal ang ama at ina ng mga Maute kaya walang dahilan upang sila’y palayain. Kung hindi maubos ang kanilang puwersa, tiyak hindi matitigil ang mga karahasan sa buong Mindanao at buong bansa.  Kaya ang tanong kung kailan matatapos ang Martial Law sa Mindanao, mahirap pang sagutin sa ngayon. Nakasandal ito sa timbangan ng mga nangyayari sa ngayon at bukas.  Sumama na lang tayong manalangin na sana’y  matapos na ang krisis sa lalong madaling panahon at muling bumangon at magsimula. Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest