Pampublikong WiFi sa Benguet, bukas para sa publiko 24/7

Nov 25, 2017

LA TRINIDAD, BENGUET – Inilunsad noong Martes (November 21) ang kauna-unahang pambublikong WiFi sa probinsya ng Benguet upang pagandahin at pabilisin ang koneksyon sa internet ng mga subscriber ng Smart at PLDT.

Ang 10 WiFi hotspots na may speed na 96 megabytes per second (mbps) ay ikinabit sa loob ng kapitolyo at laging bukas para sa lahat 24 oras.

Ayon kay Benguet Governor Cresencio Pacalso, matagal nang pangarap ng probinsya na makabitan sila ng pampublikong WiFi upang may magamit and mga estudyante para sa kanilang mga aralin.

Ayon sa gobernador, maraming estudyante partikular na sa La Trinidad ang makikinabang dahil makakatipid sila sa kanilang gastos sa internet shop.

Aniya, maraming estudyante ang nagpupunta sa provincial library upang gumawa ng kanilang assignment.

“Malaking bagay ito sa mga estudyante dahil may libreng trenta minutos na access sa WiFi kada araw. Kaya imbes na pupunta sila sa computer shop ay maaari na silang magtungo rito para gumawa ng kanilang research,” ani Pacalso.

Para makakonekta, hanapin ang Google explorer at i-type ang cellphone number para makatanggap ng pin na siyang gagamitin para makapag-subscribe ng 30 minutong internet access. Kung sakaling kulangin ang 30 minutong access ay maaaring bumili ng P20 o P50 cellcard load para maituloy ang paggamit ng internet. Sa P20 load ay may dalawang oras na na internet browsing at 10 oras naman sa P50 load.

Bagamat hindi pinagbabawalan ang mga empleyado ng kapitolyo na makigamit sa WiFi sa oras ng trabaho, hiningi ng gobernador na gamitin lang sana ito sa may kinalaman sa trabaho.

Samantala, sinabi ni Louie Metra, relations manager ng PLDT sa Cordillera, na ang ikinabit na WiFi sa kapitolyo ay katulad din ng mga nasa airport. Mula sa pinagkabitan ay makakakuha pa ng mabilis na signal ang nasa 100 metrong layo. Nasa 96 hanggang sa 100 mbps naman ang bilis nito.

“Ito ay parte pa rin ng promotion namin pero higit sa lahat ay gusto rin namin na bigyan ng pagkakataon ang mga tao na ma-experience ang aming Smart WiFi,” ani Metra.

Sa ngayon ay hinihintay din ng bayan ng La Trinidad na maikabit ang kanilang public WiFi. Maliban sa kanila, nakahanda na ring malagyan ang Burnham Park at Mines View Park sa lungsod ng Baguio. DIONISIO DENNIS JR. / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest