Pamumulitika lang daw

Opinion

Namigay ng ayuda si Senator Manny Pacquiao sa Benguet para sa mga napinsala ng bagyong Maring, lalo na sa pamilya ng tatlong batang
magkakapatid na namatay sa landslide, pero bakit daw sa Baguio City ay nilagpasan nya lang ito, samantalang tatlo din ang namatay dito sa landslide sa Barangay Dominican- Mirador.

Hindi parehas, kaya hindi din daw parehas ang botong makukuha niya dito.Tsk.tsk.tsk.

Kayo na po ang humusga. Pero, kuwidaw, may magandang ibinulgar ang Pambato ng Pinas, tungkol sa P9 bilyong rock netting na proyekto ni Mr.Tsinelas Man sa Benguet.

May nagbigay daw ng petition of complaint kay Pacquaio, tungkol sa proyekto na tila maanomalya daw, kaya naman todo ang ngitngit ni Pacquiao na papaimbestigahan at ipakukulong niya kapag napatunayang may korapsyon sa proyektong ito.

Sabi nga ni Pacquiao, huwag niyo na siyang ibotong Presidente, kasi kapag naging Pangulo ay tiyak lahat ng koraptor ay KULONG. Promise ha!

Pamumulitika lang daw ang nasabing isyu at sasaguting daw niya ang akusasyon sa tamang lugar at sa tamang oras. Pero, hindi naman
pamumulitika ang ipinunta ni Pacquiao sa Benguet,kundi ang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo, na labis na pinasalamatan din ng mga opisyales sa Benguet.

Nagkataon naman na nalaman niya na may malaking proyekto pala ang caretaker na P9 bilyon (nakakalula naman) halaga ng project sa Kennon Road, na inaakusang maanomalya umano, kaya natural lamang na ibulgar niya ito,dahil pera ng gobyerno na mula sa taongbayan ang nasasangkot.

Ang nakakapagtaka daw, ang inilagay na caretaker bakit naghangad pang maging Congressman ng Benguet, Bakit daw hindi na lang ipaubaya sa mga totoong taga- Benguet ang mamahala sa kanilang lalawigan at asikasuhin na lamang ang kanyang partylist.

Sa totoo lang, maraming lider at pulitiko sa Benguet ang mahusay mamahala ng lalawigan. Wala po tayong personalan, isyu lang ang
napag-uusapan dahil karapatan ng taongbayan na malaman ang katotohanan.

Nasa kamay na ng mga botatnte ngayon sa Benguet kung ano ang kanilang magiging hatol sa darating na halalan para sa kapalaran ng lalawigan.