Panagbenga Festival tungo sa malaking pagbabago – Teo; Baguio bilang “craft and creative city”

Mar 3, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinuri ni Tourism Secretary Wanda T. Teo ang pamahalaang lokal at mga kasamang pribadong sektor dahil sa patuloy na paglago ng taunang ipinagdiriwang na Panagbenga o Baguio Flower Festival.
Aniya, ang Panagbenga ay nakapag-ambag sa pagtaas ng foreign tourist arrivals sa Duterte administration.
“The Duterte administration is elated over the improving magnitude of the Panagbenga through the years that is why Baguio still remains as one of the preferred tourist destinations in the country,” ani Teo na nagsilbing panauhing pandangal sa grand float parade.
Sinabi ni Teo na Panagbenga lamang ang festival sa bansa na kasama sa International Festivals and Events Association, kaya kailangang ipatupad ang mga makabagong kaisipan sa mga nakalinyang aktibidad sa isang buwan na pagdiriwang upang patuloy na makaakit ng mga manonood na banyaga.
Ani Teo na ang pagiging kasapi ng Baguio sa listahan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ng creative cities for crafts and folk arts ay nagpapakita lamang ng patuloy na tagumpay ng lungsod sa national at global na pagkilala sa larangan ng turismo.
Lalo na, aniya, at patuloy na itinataguyod ng Duterte administration ang paghikayat sa mga banyagang turista upang makamit ang 10 milyong tourist arrivals sa mga susunod na taon.
Dagdag ni Teo, umabot sa mahigit 5 milyon ang naitalang foreign tourist arrivals noong nakaraang taon.
Siniguro ng kalihim ang patuloy na suporta ng departamento ng turismo sa Panagbenga organizers upang mapanatiling lumalago ang pagdiriwang upang patuloy rin ang pakikinabang ng mga residente sa malaking industriya ng turismo.
Nauumay sa panonood ng parada
Samantala, nanawagan si Mayor Mauricio Domogan para sa mga bagong mungkahi para mapaganda pa ang pagdiriwang ng Panagbenga matapos na mapansin ng mga organizers na numinipis ang mga taong nanonood ng grand street dancing parade at ang dinudumog na lamang ay ang grand float parade.
Aniya ay laging bukas ang Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI) para sa mga inobasyon sa mga aktibidad ng Panagbenga.
Sa obserbasyon ng ilang residente, sa mga nakalipas na Panagbenga ay mistulang dumaraming mga tao ang nauumay na personal manood ng street dancing habang marami naman sa mga taong nakikipagsiksikan na nanood ng float parade ay pangunahing nag-aabang sa mga artista at iba pang personalidad na dumadalo sa parada.
Sinabi naman ni Special Events Council committee chair Elmer Datuin na maasahan ng publiko ang mga pagbabago sa mga susunod na pagdiriwang ng Panagbenga sa pamamagitan ng isang council ordinance para bumilis at maging simple aang preparasyon ng mga aktibidad.
Isasama rin sa pagpaplano ng mga aktibidad ang buong BLISTT (Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay) na magtutulungan para sa pagkuha ng supply ng bulaklak at akomodasyon ng mga turista, gaya ng mungkahi ni Architect Joseph Alabanza, trustee ng BFFFI.
Samantala, ayon sa mga opisyal na Panagbenga na sina Anthony de Leon at Freddie Alquiroz, malaki ang pangangailangan sa magagaling at eksperto na gumagawa ng float at mga lugar na paggagawan ng ipaparadang flower floats.
TRAPIKO AT BASURA
Marami ang pumuri sa organisadong daloy ng trapiko sa lungsod nang isagawa ang magkasunod na tampok ng Panagbenga na grand street parade at grand float parade habang nanatiling problema ang basurang dulot ng mga nanood sa mga parada na bunsod ng kawalan nila ng disiplina.
Kapuna-puna na maluwang ang mga kalsada sa araw ng mga parada at hindi naganap ang inaasahang “carmageddon” o ang pagsisiksikan ng maraming mga sasakyan na dala ng mga turista na nagdudulot ng matinding kapal ng trapiko sa lungsod.
Sinabi ni city administrator Carlos Canilao na isang dahilan ng maginhawang daloy ng trapiko ang pag-iiwan na lamang ng mga bisita ng kanilang sasakyan sa kanilang mga tinuluyang hotel at inn.
Naobserbahan na malaki rin ang naging ambag ng mga lokal na operator ng jeep na nagkaroon ng inisyatiba na huwag nang makipagsiksikan sa mga sasakyan sa central business district habang ang iba ay binawasan ang mga yunit ng jeep na ipinasada sa mga araw ng parada. Partikular dito ay ang mga jeep operator at driver ng City Camp, Hillside, Magsaysay, Trancoville, Irisan, Aurora Hill, Country Club, Happy Hallow, Green Valley, at Balakbak.
Patuloy namang problema sa pagdiriwang ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ng mga nanood sa mga parada sa kabila ng paulit-ulit na pakiusap ng lokal na pamahalaan sa wastong pagtatapon ng basura. May ulat: Baguio PIOs / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest