San Fernando, LA UNION – Inihain ni Sangguniang Panlalawigan Member (SPM) Maria Annabelle S. de Guzman ang isang panukalang ordinansa na minamandato ang mga kompanya ng mga public utilities kagaya ng telekomunikasyon, internet, elektrisidad at iba pang mga parehong establisyemento sa probinsya na gawing
“underground’ o nakatago sa ilalim ng lupa ang kanilang mga kawad.
Sa Draft Provincial Ordinance No. 405-2022,
ipinanukala ni SPM de Guzman na ang underground cabling system ay mas magiging pangmatagalan, mas ligtas, mas maaliwalas at malinis tingnan kumpara sa mga kawad na karaniwan nang nakikitang buhol-buhol or “spaghetti
cables” lalo na sa mga urbanisadong lugar. “It is necessary to protect residents from the hazardous effects of overhead lines in the event of earthquakes, heavy rain or thunderstorms”, nakasaad sa explanatory note ng panukala.
Gayunpaman, ang mga kasalukuyang mga kawad na may taas na labing-pitong talampakan para sa mga provincial, municipal/city roads at mga kawad na may taas na dalawampu’t-anim na talampakan ay pinahihintulutan basta ang mga ito ay maayos at hindi buhol-buhol. Nakasaad din na para sa mga kawad na tumatawid sa gitna ng kalsada
ay mayroon dapat minimum na 100 meters na distansya. Ayon din sa panukalang batas, ang mga engineering
offices ay magiging responsable sa paginspeksyon at pagtiyak na tumutupad ang mga underground cabling systems
sa mga safety standards and regulations.
Sino man ang lalabag dito ay magmumulta ng ?5,000 kada araw. Dagdag pa ni SPM de Guzman, nakatuon ang
panukala para sa mga bagong konstruksyon ng cabling systems at ito ay paraan ng paghahanda mula sa panganib na dala ng lindol, bagyo at iba pang uri ng sakuna. Naniniwala siya na ito ay dagdag hakbang upang matamasa ang P.U.S.O. Agenda at pagpapakita ng isang tunay na #LaUnionProbinsyanihan.
Jiroh Joy D. Marbella, GPC-SP
August 13, 2022